Akio's POV. Mahal kita kaso... Last day bago ang christmas break naging aligaga kami sa mga gawain. Maraming naging pending na deadline na hindi ko alam kung paano ko nagawan ng paraan. Mabuti na lang sinisipag kaming lima pag magkakasama. Lahat ng pagod at pagaalala namin ay nawala sa araw na ito dahil mahaba-haba ang bakasyong naghihintay. "Ryan bakit hindi ka pumasok kahapon?" Tanong ko sa kanya. Ganun din si Rylie hindi siya nakapasok pero nagtext sa akin na masakit ang ulo niya kaya hindi siya nakapasok. "Pre napano yang mukha mo," napansin ni Ciro ang namamaga niyang mukha. Puno ng galos ang mukha niya pati ang mga labi niya namamaga. "Napalaban lang, napikon kase ako sa tambay sa na nambabastos ng babae." Kalma niyang paliwanag. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba basta ang

