Chapter 4

2174 Words
Damn car Naging mabilis ang pangyayari. Sa pinaghalong hiya at takot, hindi ko nasundan ang lahat pagkatapos kong binalot ang sarili ko sa hinablot kong kumot. Hinablot kanina ni Faustino ang leeg ng kambal at halos sapakin. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Kumakalampag ang aking dibdib sa nangyari. Nakasuot na ako ng damit ng bumalik sa loob si Faustino. Yumuko ako hinawakan ang saya ng aking suot. "Uuwi kana. " parang gustong mangyupi ng gamit ang boses niya kaya hindi ako makatingin. Tango ang aking naging sagot at napasinghap ng hagisan niya ako ng limpak limpak na pera. Iyon ang hudyat kaya napaangat ang aking tingin at nagdaop ang aming titig. "S-Sir-" "Is that enough?" magkatagpo ang kanyang kilay dahil sa galit na hindi ko alam kung saan nagmula. Walang pag iisip ako na tumango at lumuhod upang pulutin ang hinahangad na pera para sa gabing iyon. "S-Salamat.." napalunok ako. Ang presensya niya ay nagpapasikip sa aking hininga. "Leave..." tumalikod siya at tumingala. Marami akong gustong tanungin pero hindi ko maisaboses. "Sir Faus-" "I said leave!!" napatili ako sa kanyang sigaw. Pumikit ako ng mariin at walang lingong umalis. Laking ginhawa ko ng makaalis sa kwartong iyon. Maraming tanong sakin ang mga kasamahan ko pero hindi ko na sinagot iyon. Maging si madam A ay hindi na nagtanong kung bakit ako mauunang uuwi. Tila alam na nito ang nangyari. Sumakay ako ng jeep pauwi sa aming bahay. Hanggang ngayon, sobra sobra parin ang aking kaba. Mula noon na pag tatrabaho ko sa club, ngayon ko lang naranasan ang ganon...ang mahinto ang ginagawa dahil may pumigil at magkambal pa sila. Bahagya kong pinalo ang ulo para iwaksi ang aking iniisip. Mula ng makilala ko sila, palagi nalang nilang ginagambala ang aking pag iisip! Dapat hindi ganito! Kahit paano, maaga akong nakauwi ngayon at may malaking halagang dala. Masaya ako nang tinahak ang eskinita papuntang bahay namin. Sa labas ay nagtaka ako nang makitang tanging kandila lamang ang aming ilaw. Mabilis akong pumasok sa bahay. "Nay," nakita kong nakahiga  si mama at inuubo. "Nay, bakit kandila-" "Ginastos ko ang pera." padabog nitong sagot sakin at umubo ulit. Bumuga nalang ako ng hangin at kumuha ng panyo at nilagay sa kanyang likod. "Sige po, bibigyan ko kayo ng pambayad bukas. Si tatay po?" "Ayon!" Umubo na namab ito ulit. "Marami yatang pera at naglaklak na naman at sugal! Dinalhan pa'ko ng benteng pirasong balut!" Tumango nalang ako at binalewala iyon. Wala namang bago. Gusto kong sabihin sana na alagaan niya si inay pero  alam kong imposible. "Ano? Ba't maaga ka? Malakas kita mo no? Itago mo 'yan! Tsaka baka may pang rebond naman ako d'yan-" napapikit ako dahil umubo ulit ito. "Oo Nay, ikaw pa!Bukas mismo!" "Ayon! Salamat naman! May niluto akong ditong itlog at tuyo kumain-" Tumayo ito para sana kumuha ng pinggan pero nabasag ito kasabay ng panlalaki ng aking mata. Bumulagta si nanay sabay ang pag bulwak ng dugo sa kanyang bibig at ilong. Halos mamanhid ako at nakakabinging sigaw ang aking narinig. Ang sigaw ko na halos hindi ko marinig dahil sa sobrang takot at kaba. "N-Nay!H-Hindi-" dahil payat si mama mabilis ko siyang nabuhat at sinakay sa aking likod. Pilit siyang nagsasalita kaya dumaloy ang dugo sa aking balikat. "Wala t-to-" "Nay! Anong w-wala? Wa'g kana pong magsalita." Namanhid ako dahil sa nangyari at takot na nararamdaman. Hindi ko na naisip kung bakit nakaya kong buhatin si inay. Halos tumakbo ako palabas para madala ko si inay sa hospital. "Tulungan niyo po ako!" humingi ako ng tulong sa mga nag susugal sa gilid ng eskinita. Maraming lalaki iyon at alam kong driver iyon ng trysikel ang mga iyon. "D-Dadalhin ko po si nanay sa hospital.." basang basa ang aking pisngi ng luha. "Alis kayo dito!! Ang dudumi niyo!" "Bukas wala na 'yan! Wag kang mang istorbo dito!" Sabay kamot ng isang lalaki sa kanyang buhok. Nawalan ako ng pag asa na sumubok. Alam kong walang makakatulong sakin. Noong gabing iyon, hanggang sakayan ng jeep ay karga ko si inay para madala sa hospital. Ginamit ko 'yung pera na kinita ko. Nalaman ko na may tuberculosis si inay. Bukod doon, puno ng plema ang kanyang baga at kailangan ng maintenance na gamot. Hawak ko ang kamay ni nanay na nakahiga sa kama. Hinahalikan ko 'yun hanggang sa namulat ang kanyang mata. Halos hindi ako dinalaw ng antok kakaisip kung paano ko ito haharapin. "Nay, kamusta pakiramdam mo?" mahinang tanong ko. Umiwas siya at pumikit. "Ba't mo pa ako dinala dito? Gastos na naman 'to." "Ang importante nay, gumaling ka." Umiling siya. "Yung pang gastos mo sana ay ibabayad na natin iyon sa kurente. Pasensya na, yung binigay mo noon binili ko ng gamot ko." Kinagat ko ang labi,nagpipigil ng hikbi. "Bakit hindi mo sinabi nay?" "Para ano pa? Binibigyan mo naman ako ng pera kaya hindi ko na kailangang sabihin-" "Nay, lahat ba na sinabing mong, ipaparebond mo, bibili mong bag at pang manicure mo ay binili mong gamot? Nay naman....sana sinabi mo sakin para maagapan." "At ano? Lalo lang ako nawalan ng silbi?! Wala akong natapos! Wala kong disenteng trabaho! Oo, noon nagpamit ako sa mga lalaki para mapalaki kita kasi alam kong walang silbi ang tatay mo! Kaya ikaw, magtapos ka at magtrabaho ng mabuti! Iwanan mo na 'yang trabaho mong 'yan!" Hindi nalingat sa aking mata ang pagbagsak ng kanyang luha. Hindi ko nakayanan at niyakap ko siya ng mahigpit. Pinag isipan ko ng maigi itong akong desisyon. Hindi gabi gabi, magkakapera ako. Ngayon,wala na akong naging custumer. Simula noong   naging custumer  ko si Faustino at Frosto, naging matumal na ako. Hindi na ako tinatawag ni madam A kung meron akong custumer. Kagabi, swerte na ako na nakarating si Frosto. Nakihiram ako ng cellphone sa kapit bahay namin. Kumuha ako ng iilan na damit ni inay. Titipa na sana ako ng numero ng.. "Oh Ava?! Ang inay mo nasaan?" bumungad sakin si itay na nakangiti. Kakauwi lang nito. "Sa hospital mo ho..." sagot ko at nakita ang iilang dala nitong ulam. "Ano hospital?!" Pagod akong tumango. "Opo tay, pakidala naman po nito. Ito ang ang address ng hospital. Pakibantayan po sana. Raraket lang po ako." Rumehistro ang pagkairita sa mukha niya pero tumango narin. "Sige. May dala akong ulam. Nanalo ako sa sugal eh." iniwan nito ang ulam at pumasok sa kwarto at nagbihis. Napahilamos ako ng palad sa mukha at bumigat lalo ang aking nararamdaman dahil sa problema. Mula noon, kahit na magkasakit si inay,hindi siya naoospital. Ngayon, mukhang malala nga talaga itong sakit niya. Hindi dapat ipagsawalang bahala at baka lumala. Binalikan ko ang cellphone at tinipa doon ang numero. Nakakailang ring na ito pero walang sumagot. Hindi ako nawalan ng pag asa,sinubukan ko pa ulit at may sumagot na nito. "Hi,who's this?" sa boses palang alam kong siya na ito. "Uhm..ma'am Genevive,si Ava po ito...yung-" "Oh right! Ang muntikan na namin masagasaan! Kamusta kana?" may iilang ingay akong narinig sa kanyang linya. "Maayos naman po," mahina akong tumawa. "Wala naman pong gasgas." "Mabuti naman kung ganoon." "Ma'am, alam ko pong kakakilala niyo palang po sakin. Pero wala po akong masamang hinahangad. Gusto ko lang po sanang itanong kung may alam ba kayong pwedeng pag raketan po?Nasa hospital po kasi ang inay ko." "Tamang tama!" masigla ang kanyang boses. "Actually nandito ako sa venue ng pagdarausan ng birthday ni mommy. Pwede kang maging waitress! Ako na bahala sayo.Itetext ko ang address at kasamahan mo na ang bahala sayo." "Wow! Salamat po talaga ma'am Genevive!" "Ano ba! Genevive nalang!" Humagikhik ako. "S-Sige po G-Genevive." "Ayan. Much better. So, I'm expecting you tonight huh?" "Opo!" Naglinis ako ng bahay at nagtext kay madam A na hindi na muna ako makakapagtrabaho. Dahil kung hanggang umaga pa ako magtatrabaho, sinong magbabantay kay inay? Si itay, alam kong mamaya mabuburyo na iyon at iiwan si Inay. Kaya kailangan ko 'tong raket nato ngayong gabi at iilang oras lang naman. Nang sumapit ang gabi, tinungo ko na ang venue, at nanlaki ang mga mata nang nasa isang malaparaiso iyon gaganapin. Ang mga nagupitang halaman ay napupuno ng malakulisap na ilaw. Ang fountain ay umiingay sa bawat lagaslas ng tubig doon. Maraming kotse sa labasan at maging sa loob. At mukhang nag uumpisa na dahil sa pagsasalita ng kung sino sa microphone! Nagmamadali akong pumasok at nakita ang iilang nakawaitress na damit. Nilapita ko iyon at kinausap. May mga nakita akong magagara ang gown at mga guwapong business man. s**t! Mga sosyal ang nandito. "Miss! A-Ako pala si Ava. Nakausap ko si ma'am Genevive. Waitress rin ako ngayong gabi." Matanda na ang babaeng kausap ko at may salamin. "Waitress ka? Ba't ang ganda mo?" Napamulagat ako at natikom ang labi. "P-Po-" "Ah wala! Sakto. Kita mo iyong pintuan na iyon? Nandoon ang mga uniform natin. Kumuha ka doon at suotin mo. Suotin mo ang apron ha na may basahan para mapunasan ang iilang tapon ng wine. Ako na muna ang mag dadala ng inumin." Sunod sunod na tango ang aking ginawad. Umalis siya agad kaya nagsimula na ako sa mga dapat gawin. Sinuot ko ang uniporme at nilagay sa locker doon ang aking damit. Pinuyod ko ang aking buhok at hindi naglagay ng kahit ano sa aking mukha. Napangiti ng makita ang nagkakasayahang mga dumalo at sa hindi kalayuan, nakita ko ang sopostikadang medyo may edad. Siguro iyon na ang mama ni Genevive. Sa gilid niya, nakita ko si Genevive na napakaganda. Habang nasa gilid ako, nakatayo sa malaking plorera ng halaman, nakita ko kung gaano kalayo ang agwat ng buhay ko sa kanila. Nagkakasayahan sila at nakasuot ng napakagandang damit. Kumakain ng masasarap na pagkain. Habang kami? Nakasuot bilang tagapaglingkod nila. Tagapaglingkod at handang linisin ang kanilang mga kalat at dumi. Huminga ako ng malalim. Ang importante, gumaling si nanay. Iyon na ang bagay na nakapaimportante ngayon sakin. "Hoy! Doon kana! Maglinis ka doon ng kalat!" Sabi sakin ng babae kanina. "A-Ah, sige po!" Nakayuko ako lumapit sa mga tao. Dumaan ako sa pinakagilid habang hawak ang mop. May nakita nga ako doong tapon ng pagkain at wine! Nilinisan ko iyon agad. Napaasik ang iilang babaeng dumadaan dahil naging istorbo na ako. Kaya lalo konh minadali. Nakailang linis na ako doon nang may lumapit sakin. "Hey." Nanlaki ang aking mata ng matandaan ang lalaking na custumer ko noon sa club! s**t! "S-Sir." Bahaw akong ngumiti. "Ikaw iyon di'ba? Ava?" Humawak agad siya sa baywang ko kaya bahagya akong umusod. Ayokong may makakita! Halatang nakainom na ang isang to at lasing! "Sir! Marami pa akong gagawin." Tumawa ito. May iilan ng business man ang nakakita sa amin. "It's you I used that night right? Sa Club?" Halos mahilo ako sa kaba lalo na nang marinig iyon ng iilan. Tinulak ko siya at aalis na pero nag amba pa itong lalapit sa aking leeg kaya hinarang ko ang mop na hawak at kasabay nun ang iilang tilian. "Oh my goodness!" isang boses ang aking narinig pagkatapos ang isang pagkabasag. Nabalot ako ng kaba ng makita ang mama ni ma'am Genevive! Natapon ang wine sa kanyang magandang gown! Halos nakatutok sa akin ang lahat. Sobrang hiya ang aking naramdaman at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. "Ma'am, sorry po!" Yumukod ako para linisin iyon. Ang daming bubog! "Mommy, ayos kalang?" Narinig ko ang boses ni Genevive at lalo lang akong kinabahan. "Sorry! Ma'am Genevive kasi-" "Oh it's okay darling,just don't be such a clumsy next time." sabi ng mama ni Genevive. Huminga ng malalim si Genevive at nahihiyang ngumit sakin. "Sorry po!" ulit ko. Walang may tumulong sakin at nagsialisan sila. Kahit kapwa ko waitress dito ay hindi ako tinulungan. Pumatak ang aking luha ng malinisan iyon at umalis ako para makalabas. Pumunta ako sa likuran kung nasaan ang fountain kanina. Kung saan walang tao. Hinubad ko ang pagkakatali ng aking buhok at hinayaang tangayin ng hangin. Dinamdam ko ang ihip ng hangin sa pang gabi. "How's your hand?" napapitlag ako ng may magsalita sa aking likuran. "F-Faustino.." Pagod kong sambit at umiwas. Binalik tanaw ang buwan na tila nakatingin rin sa akin. "May dugo ang kamay mo." Ang guwapo niya. Seryoso na naman ang kanyang ekspresyon. "Sanay na'ko. Maliit lang 'to." Huminga siya ng malalim at kinuha ang kanyang panyo at nilagay sa sugat ko. Gusto kong umapila pero nagbabanta na ang kanyang mata. "Baka hanapin ka ng fiancee mo." Pang iinis ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang maiisip lalo na't natikman ako ng lalaking ito na mag fiancee. Grabe. Lumapit siya sa akin hinaplos niya ang aking baywang at naramdaman ko ang kanyang labi sa aking tenga. "This is so wrong but....I like your smell so much." Agad akong nasunog ng kanyang salita. Napapikit ako. "I will drive you home now...." "Hindi p-pwede, may trabaho ako dito." Ngumisi siya, "How much then? Ilang libo ba para pumasok ka sa kotse ko at tikman ka muna saglit hmmm?" Napalunok ako. "Come on Ava. Ako lang. Not my twin but only me." Kinagat ko ang labi ko unti unting nadadarang.Hindi ko na napigilan ang tumango. "I can't wait to f**k you in my damn car Ava.." he whispered bago hinalikan ako ng pabitin sa labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD