~1~Who am I?
WAKING UP and not knowing who you are is troubling. Iginala ko ang paningin ko sa silid na kinaroroonan ko nang biglang bumukas ang pinto. A very unfamiliar man barge in.
Salubong ang kilay na tumungo ito sa gawi ko. Sa kaniyang mata ay nag-aalab ang galit... habang nakakuyom din ang kamao nito na tila gusto nang manuntok.
Nang makalapit ito sa akin ay ganon nalang ang gulat ko nang hawakan nito ang braso ko at mariing pinisil. "A-Ah..." I tried to scream but he covered my mouth.
"Mmmph!!!" I tried to reach him, but I was too weak to even fight for myself. Bakas ang galit at sakit sa mata nito, kaya alam kong wala akong magiging laban sa binatang basta na lamang umatake sa akin.
"Where the hell did you bring her?! Where the h*ll did you bring my girlfriend!!" He growled making me confused.
"L-Let go..."
Sinubukan kong pumiglas ngunit masyadong malakas ang binata na ngayon ay halos nakakubaw na sa akin. Isn't he aware that he's hurting me?
"SUMAGOT KA!" Sigaw nito sa mukha ko nang biglang may kumalabog mula sa likod nito, at doon lamang ako nakahinga, nang may humila sa binata'ng halos ipitin na ako.
Nakatitig lamang ako sakanila, habang ang isang Lalaki na satingin ko ay nasa 50's na, ay pilit na pinapakalma iyong binata.
"What the heck is going on here?!" A woman in her nearly 40's entered. When her eyes darted at me, she gasped and quickly went into my side to hug me.
"Oh my Amber!" She cried dramatically.
It was weird because I don't know any of them. Lalo na iyong binata na sumugod sa akin kanina. Niyakap-yakap ako nung ginang na nasa tabi ko ngayon, habang ang mata ko ay nanatili sa lalaking nakatingin ng masama sa akin.
Who is he? And why is he so mad at me?
After the Doctor discharge me, ini-uwi na ako ng mga magulang ko.
Sila daw ang magulang ko...
My mom, she has a few wrinkles, but it's not that visible. She looks young to be my mother... siya iyong kanina na umiiyak na yumakap sa akin.
I kept my gaze outside the window while we're driving away. The Doctor said I have amnesia, that's why I couldn't remember even a glimpse of the past, which is why... I also don't remember who my parents are.
And the guy earlier... is my brother.
How could a brother attacked his little sister? May nagawa ba ako sakaniya noon? At... girlfriend? Saan ko daw dinala ang girlfriend niya?
Sa hindi malamang dahilan ay kumirot ang puso ko...
Napabunto'ng hininga ako at bahagyang sumulyap sa likod kung nasaan ang... kapatid ko. He look so angry like he wants to kill me earlier. Natakot ako ngunit hindi ko talaga siya maalala. Kung may nagawa man ako noon... wala akong ideya sa kung ano ang mga iyon.
Amanda Salcedo and Nicholo Salcedo... they are my parents. My mom showed me some of my pictures before the incident and it was really me. Kaya naman wala na akong nagawa nang isama nila ako pauwi.
Nang makarating kami sa paroroonan ay hindi ko inaasahan na mayaman ang pamilya na kinabibilangan ko. I was gaping the whole time, it was... a wow.
I was curious and a little bit excited because it feels like I've never seen this house before, or more like... this Mansion.
We are greeted by maids falling into a line as we enter. I can't help but smile at them, I don't know why I feel happy seeing these people. Maybe... I used to be closed with them before?
I expect that someone would greet me, but instead they are silent. Some of them look nervous and scared. Kaya tuloy ay hindi ko maiwasan na maisip kung... nakakatakot ba ang pamilya namin?
Ginala ko ang paningin sa loob ng Mansion. It looks sad and... dull. Kaya ang kaninang masaya'ng expression ay unti-unting nawala.
Iginiya ako ni mommy paakyat hanggang sa dalhin niya ako sa isang napaka-lawak na silid. Ito raw ang silid ko.
Sinubukan kong alalahanin ang mga nasa silid na iyon ngunit kahit ni-isang memorya ay wala akong maalala. Ano ba ako noon? Masama ba akong anak? Maldita ba ako?
Lumapit ako sa salamin at doon ay tinitigan ko ang sarili ko. Wala sa sariling hinaplos ko ang mukha ko...
This face...
Nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto ng silid ko at bumungad doon ang... kapatid ko.
Madilim ang tingin nito sa akin na nakikita ko ngayon mula sa aking salamin. Tila kinabahan ako dahil ramdam ko na may hindi nanaman magandang mangyayari.
"Admiring yourself? Hah... walang pinagbago" bumunot ito ng isang sigarilyo at sinindihan iyon. He inhaled at tuluyan na siyang pumasok sa silid na kinaroroonan ko.
Napalunok ako at hinarap ang binata na ngayon ay tila madilim na nakatitig sa akin.
He's staring at my face as if he's disgusted with it. Pero nang lumapit ito ay may nakita akong emosyon na gumuhit doon. He blinked and inhaled again.
"Since you are suffering from Amnesia... I will let you pass little sister. Pero oras na maka-alala ka. You are going to tell me where you hide my girlfriend" he glared at me. Napalunok ako at marahang tumango kahit na hindi sigurado.
Gusto ko tuloy siyang tanungin... ano ba ang nagawa ko noon? Did I...
Pero bago ko pa matapos ang iniisip ko ay nagulat ako nang mag humaplos sa baba ko at ini-angat iyon, dahilan kung bakit tumama ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Nawi-wirduhan akong napatitig sakaniya. Sa isang iglap kasi ay nagbago ang emosyon nito... bakas ang pangungulila ngayon sa mata nung kapatid ko.
There's a hint of emotion on his face. Nanatili itong pinag-aaralan ang mukha ko nang kaniyang sabihin na...
"I've been longing to see this face eversince she was gone..." he said, a tear slip into his eyes. Nang bigla itong mapakla'ng tumawa. "I would like to pretend that it was her I'm holding right now, but I don't want to fool myself anymore. I might long for this face..." he whispered while tracing my face as he continue."... but not you"
Nang sabihin niya iyon ay tila may kumurot sa puso ko. Lalo na nang makita ang sakit at pangungulila sa kaniyang mga mata. Gone with the angry man... he looks so torn and just... sad. Hah...
It hurts to see him cry... it hurts to know that he's missing someone... it hurts to know that I might be really the reason why he's suffering from pain.
I... his sister. But why? I am his sister!
What did I do for him to hate me like this?