THE SONG I BURIED

1099 Words
CHAPTER 22 LEONARDO POV Pagkaalis nina Dominic at Alessandra, parang may naiwan na mabigat na usok sa loob ng mansion. Hindi iyon basta tensyon parang sumpa. Hindi ako nagsalita. Hindi ko na kayang tumingin pa kay Isabella. Dire-diretso akong umakyat sa kwarto namin, bawat hakbang ko sa hagdan ay mabigat, parang may kadena sa paa ko. Naririnig ko ang tunog ng heels niya sa likod ko of course, susunod siya. Pagpasok ko sa kwarto, hindi ko na hinubad ang coat ko. Tumayo lang ako sa gilid ng bintana, nakatanaw sa city lights. Ang mga ilaw sa ibaba ay parang mga bituin na hindi ko kailanman maabot. “You embarrassed me,” unang salita ni Isabella, malamig ang boses pero halatang may halong emosyon napapikit ako sandali. “Embarrassed you?” ulit ko, walang gana. “Yes. In front of Dominic. In front of Alessandra. Para kang walang pakialam sa kasunduan.” Tumawa ako nang mapait. “Wala naman talaga akong pakialam.” Narinig ko ang malakas niyang paghinga. “You’re unbelievable.” Dahan-dahan akong humarap sa kanya. “You think this marriage is about love?” tanong ko. “It’s business. Always has been.” “Exactly!” sigaw niya. “And you’re risking everything!” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pagod na nararamdaman ko. Hindi ito pagod ng katawan pagod ng kaluluwa. “Alam mo ba kung anong mas masakit?” tanong ko nang mahina. “Na kahit kailan, hindi ko naman ginusto ang lahat ng ito.” Tumahimik siya sandali, pero hindi lumambot ang mukha niya. “Don’t start that again,” babala niya. “But it’s the truth.” Hindi naman talaga kita minahal. Hanggang ngayon, iisa lang ang laman ng puso ko. At hindi siya iyon biglang lumapit si Isabella. Ang mga mata niya ay may halong galit at selos. “Hanggang ngayon ba?” tanong niya, halos pabulong pero punong-puno ng emosyon. “Hanggang ngayon siya pa rin?” Hindi ako sumagot at ang katahimikan kong iyon ang sagot. “Twenty-nine years na, Leonardo!” sigaw niya. “May anak na tayo! May pamilya tayo!” “Alam ko,” mahina kong sagot. “Then why do I still feel like I’m competing with a ghost?!” Bigla siyang lumapit at hinawakan ang kwelyo ko. “You don’t even touch me anymore,” nanginginig niyang sabi. “I’m your wife.” Napatingin ako sa kanya. “I can’t.” Her eyes widened. “What do you mean you can’t?” “I just can’t.” Isang segundo ng katahimikan at bigla niya akong sinampal. Malakas umalingawngaw ang tunog sa loob ng kwarto. “Do you have someone else?!” sigaw niya. Wala akong babae, Wala pero may mahal ako. “Wala akong babae,” sagot ko, mariin. “Never had anyone after” Hindi ko na tinapos pero alam niyang kung sino ang tinutukoy ko. “You still love her,” bulong niya, parang natalo hindi ako sumagot. Dahil oo umalis ako ng kwarto bago pa ako tuluyang masakal sa hangin doon. Dire-diretso ako sa bodega. Sa pinakailalim ng mansion, may isang silid na ako lang ang may alam. Soundproof. Nakatago sa likod ng mga lumang wine crates at kahon ng dokumento. My secret room pagbukas ko ng ilaw, bumungad sa akin ang maliit na espasyo na puno ng alaala. May lumang couch. Isang wooden table at isang gitara. Sa gitna ng pader isang framed photograph. Si Corazon Bautista napahinto ako sa harap ng litrato niya, her smile, her eyes. Hindi nagbago sa alaala ko kahit 29 years na ang lumipas. “I miss you,” bulong ko habang hinahaplos ang frame. “Mahal ko… I’m sorry kung iniwan kita dati.” Ang boses ko ay basag. “It’s been twenty-nine years… Kamusta ka na kaya sa Isla Milagrosa?” Napatawa ako nang mapait. “Naalala mo pa kaya ako? O kinalimutan mo na? Kinamuhian mo na ako?” Umupo ako sa sahig, hawak ang gitara. Ang Isla Milagrosa isang isla na parang hindi umiiral sa mapa. Ilang beses ko nang sinubukang hanapin. Satellite maps. Private investigators. Connections. Nothing parang nilamon ng dagat ang lugar na iyon. Doon kami nagkakilala, Doon ko unang naramdaman na buhay ako. Pareho kaming may pangarap noon music. She used to sing under the moonlight ako ang tumutugtog ng gitara. We promised each other, We would chase that dream together. Pero hindi pumayag ang mga magulang ko. “A Lombardi does not marry a nobody.” I can still hear those words. Pinapili nila ako, Family, Or her and I chose wrong. Pinakasalan ko si Isabella iIniwan ko si Corazon sa isla. Walang paliwanag, Walang paalam i broke her heart sinimulan kong tugtugin ang gitara. Mahina lang sa una isang lumang melody na kami lang ang nakakaalam. Napapikit ako habang tumutugtog. Ang bawat nota ay parang sugat na muling bumubukas. “I hate music,” bulong ko sa sarili ko. Dahil ang music ang paalala ng pangarap na hindi ko tinupad. Ang music ang dahilan kung bakit galit ako kay Ferox. Kapag nakikita ko siyang kumakanta parang nakikita ko ang sarili ko noon. And it terrifies me ayokong maranasan niya ang dinanas ko,ayokong pumili siya. Pero ginagawa ko rin sa kanya ang ginawa sa akin. Napahinto ako sa pagtugtog sinuntok ko ang dingding. Isang beses, Dalawang beses hanggang sa maramdaman ko ang kirot. “Damn this life,” sigaw ko sa loob ng soundproof room. Walang makakarinig, Walang makakaalam napaupo ako sa sahig umiiyak Oo, umiiyak ang isang Lombardi. “I really hate feeling this way…” Hinawakan ko ang ulo ko. “Sana makakatanggap ulit ako ng invitation mula sa Isla Milagrosa.” Noon kasi isang sulat lang ang nagdala sa akin doon. Isang imbitasyon na parang himala. At mula noon, hindi ko na muling nahanap ang isla. Parang ayaw ng tadhana na makita ko siya ulit, O baka ayaw niya na makita ako napatingin ako sa litrato ni Corazon. “Kung nasaan ka man… sana masaya ka.” Pero sa loob ko umaasa pa rin ako. Na balang araw makakatanggap ako ng sulat isang paanyaya. Isang pagkakataon para itama ang maling pinili ko noon. Sa itaas ng mansion, tahimik ang lahat. Hindi alam ni Isabella ang katotohanan sa silid na ito. Hindi alam ni Ferox kung bakit ako galit sa pangarap niya. At sa malayong isla hindi ko alam kung buhay pa ba ang babaeng minahal ko nang higit sa lahat. Pero isang bagay ang sigurado ang nakaraan ay hindi pa tapos sa akin. At ang kanta na inilibing ko noon unti-unti na namang bumabangon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD