Maia’s POV
Narinig kong may kumakatok sa labas ng pintuan ng bahay namin. Wala na naman ang gagang si Maeve kaya walang ibang magbubukas niyon kundi ako lang. Naisip ko na baka parcel o pr package para sa akin kaya mabilis akong lumabas para buksan ito habang hindi inaalis ang sa pagsuklay ng buhok ko.
Namilog ang mga mata ko nang makita ko siya.
“Callahan?” Tila nawala lahat ng oras nang makita ko siya, nakatayo sa harapan ng pinto habang may malaking ngiti sa kaniyang mga labi.
“Maia,” aniya habang malambing na nakangiti. “Gusto ko sanang magpunta sa mall, kasama ka? Puwede ka naman siguro?”
Hindi ko alam kung natulala lang ako o sadyang hindi inaasahan ang imbitasyong iyon. “Now? As in, right now?”
Tumango siya, tahimik ngunit matatag ang mga matang nakatingin sa akin. “Yes, now. Let’s go.”
Parang ang bilis ng pangyayari—isang minuto lang at naka-ayos na ako, bitbit ang maliit na bag at susi, at nasa passenger seat na ng kotse ni Callahan. Mabilis ang takbo ng sasakyan niya, ngunit hindi ako maiwasang mapaisip kung ano ang dahilan ng biglaang pag-anyaya niya. Wala naman sa usapan na lalabas kami, ang napag-usapan lang namin ay ang pagsama niya sa mga vlog ko at sa kampanya pa kami madalas maglalalabas.
Alam kong masyado siyang abala ngayon dahil nalalapit na ang eleksyon sa barangay, at siya ang isa sa mga nangungunang kandidato na dapat kong tulungan, pero kasi wala pa naman ah?
Hindi nagtagal at narating na namin ang mall. Pagbaba pa lang namin, inakbayan ako ni Callahan at iginiya papasok ng entrance. “Today, gagawa ulit tayo ng pagba-bonding,” bulong niya, at kinindatan niya ako, na para bang may lihim siyang binabalak. “Buy whatever you need. Clothes, shoes, makeup… anything. You’ll need them for the campaign.”
Hindi ko maiwasang magulat. “Uy, totoo ba?”
Tumango siya, nakatingin ng diretso sa akin, seryoso ang mukha. “We’ll be doing house-to-house visits more often in the coming weeks. I need you to look your best—you’re my secret weapon. With your vlogs and popularity, it’s a huge boost. And besides,” ngumiti siya nang malambing, “I just want you to have what you need.”
Ilang segundo akong hindi nakasagot. Hindi ko inaasahan ang ganitong galaw mula sa kanya. Hinila niya ako papunta sa isang shop ng mga damit, at bago ko pa namalayan, sinabihan niya ako, “Choose whatever you like.”
Parang panaginip lang. Parang magsyota lang kami na binibili ako ng boyfriend ko ng mga luho ko. Ang agang ayuda ata nito. Pero kasi, ibang ayuda talaga ang gusto ko. Isa-isa kong sinuri ang mga damit, ngunit hindi ko maiwasang tingnan siya paminsan-minsan, nakatayo sa gilid at nakatingin habang sinusuri ko ang mga blusa at palda. May kung anong kinikilig na kaba sa dibdib ko, lalo na’t nakatutok siya sa bawat galaw ko.
Pagkatapos ng ilang minutong pamimili, tumango siya sa akin. “Let’s head over to the skincare section next. I have a request.”
Ngumiti ako, kahit hindi ko sigurado kung ano ang iniisip niya. “What’s your request?”
Nakangiti siyang sumagot, “I’d like us to vlog about it. I want you to suggest skincare and makeup… for men.”
Parang biglang kumirot ang kilig ko sa tinuran niya. “Skin care and makeup for men? Callahan, are you serious?”
Tumango siya, at sinuklian niya ako ng mapanuksong ngiti. “Dead serious. People need to see a different side of me. Besides, it’ll keep you around more often in my vlogs, right?”
Dahil dito, agad kong hinanda ang camera ko, at nag-record kami ng video sa gitna ng skincare section. Tumawa kami, nagbiruan, at may ilang nakatingin habang sinasabi ko kung paano magamit ang mga toner at moisturizer nang maayos. Tumango naman si Callahan, na para bang seryosong sinusunod ang mga sinasabi ko, kahit alam kong napaka-basic lang ng skincare routine niya.
Napatingin siya sa akin, at may kakaibang lungkot ang bumakas sa kanyang mga mata. Pero bago pa man ako makapagtanong, ngumiti siya muli. “Thanks for doing this, Maia,” sabi niya. “I don’t think I would’ve come this far without you.”
Nagpatuloy kami sa pamimili, na tila wala nang limitasyon sa oras. At habang tumatakbo ang oras at dumami ang mga laman ng aming mga bitbit na bag, naramdaman ko ang isang bagay na hindi ko maipaliwanag—isang koneksyon, isang pangarap na tila naging mas malapit at mas totoo dahil sa kanya. Dati, hindi ko lang maabot ang isang ‘to, ‘yung tipong hanggang tingin lang ako, pero heto, siya pa ngayon ang nagsa-shopping sa akin.
Pero ang nakakatawa sa naiisip ko ngayon, pareho kong gustong tuhugin ang magkapatid na ‘to. Si Callahan ay hot, habang si Kuya Caloy naman ay cute. Ewan, pareho ko silang gusto. I mean, okay din kasi si Kuya Caloy. Sa nakikita ko, masarap seryosohin si Kuya Caloy, habang si Callahan naman ay parang masarap paglaruan sa kama. Ang sama nang iniisip ko, pero iyon ‘yung tumatakbo sa isip ko kagabi pa. What if, pareho kong makuha ang mga puso nila?
Pagkatapos naming mamili, nag-aya si Callahan na kumain sa isang korean restaurant. Tuloy-tuloy pa rin ang vlog namin doon para mahaba-haba. Yung last vlog kasi namin ay patok, marami ang nagsasabi na parang bagay kami. Marami ang nagsasabing parang si Callahan ang future husband ko. Kaya kung isasama ko siya ulit sa vlog, pareho kaming makikinabang. Ako, kikita pa lalo, habang siya naman ay lalo ko pang napapakilala sa bayan namin o sa baranggay namin.
Nang mag-stop na ang vlog namin at mag-enjoy na lang kami sa pagkain, bigla siyang nagtanong.
“Maia?”
“Hmmm?”
“Seryosong sagot. Sino ang mas hot sa amin ni Kuya Caloy?” tanong niya bigla kaya muntik na akong masamid.
Hindi agad ako nakasagot. Ang hirap sagutin nang tanong niya kasi nasanay na akong hindi madalas magsinungaling. “Well, cute ang kuya mo, pero mas hot ka naman siguro.”
“Siguro? So, parang hindi ka sure?” tanong tuloy niya.
“Hindi ko pa naman kasi nakikita ang buong katawan ng kuya mo ng walang saplot, gaya nang nakita ko sa iyo kaya hindi ko pa masasabi,” dire-diretsyo kong sabi na tila kinagulat niya. Sa huli, natawa pa tuloy siya.
“Hmmm, mukhang may paka-naughty ka rin pala. Don’t worry, tama ka naman, mas hot ako doon kaya sana, huwag kang sasakay sa pa-fall na ‘yon, ako ang unang lumapit at ako ang una mong nakilala kaya focus ka lang sa goal nating dalawa. Huwag kang mag-alala, kapag nanalo ako, lahat-lahat nang gusto mong matikman sa masarap kong katawan ay matitikman mo, gabi-gabi pa kahit iyon ang gusto mo,” seryoso niyang sabi kaya napangiti na lang ako.
“Eh, teka, hindi na ba tuloy ang mini ayuda na sinasabi mo nung nakaraan?” matapang kong tanong.
“Gusto mo ba?” tanong niya tuloy.
Nandito na kami. Seryosohan na ang usapin kaya bakit pa ako mahihiya. “Siyempre,” mabilis kong sagot kaya ngumiti siya.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nang ngiti niyang ‘yon. Tuloy na kaya? Kung oo, saan at anong oras?
“Mini ayuda lang ‘yon, Maia. Huwag ka munang umasang madadala kita agad sa langit, kumbaga ay patikim palang iyon,” paliwanag pa niya.
“Okay, gets ko naman.”
“After nito, kahit sa hotel ay puwede na siguro,” sabi niya kaya parang kumabog na ang dibdib ko. Ibig sabihin ay tuloy na talaga.
“Kahit sa kotse, mini ayuda lang naman ‘di ba?”
“Sabagay, para mabilis lang din, sige, sa kotse na lang.”
Oh, my gosh. Ano kayang mangyayari. Shuta, makakasubo na ba ako ngayon ng malaking titelya? Oh, baka naman pukelya ko ang paglalaruan niya? Ay, jusko, marami na agad ang pumapasok sa isip ko ngayon.