Pagkatapos naming kumain, naligo na ako para maghanda sa duty, sya naman naligo don sa kwarto niya... ~~~~~~~~ Kinuha ko na ang bag ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. "you ready..?" sabi nya habang nakahawak lang sa door knob ng pinto. "yeah.." at lumakad na ako palapit sa kanya, kinuha nya naman ang hawak kong bag at sinara na ang pinto.Sabay kaming bumaba ng hagdanan, habang pababa inakbayan niya naman ako, hinayaan ko nalang sya. Nakita ko si manang na naglilinis ng kusina, huminto ako saglit at nagpaalam kay manang.. "Manang alis na po kami..." sabi ko at tumango lang si manang, at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang sasakyan nya. Pinagbuksan nya akong pinto ng sasakyan niya at hinintay na makaupo ako at binigay ang bag ko. "salamat.." sabi ko at ngumisi lang sya

