Plano ko sanang kausapin na si Zack, as usual nagpadala sya ng bulaklak, pero hindi ko sya kinausap, pupuntahan ko nalang sya yung kaming dalawa lang ang makakarinig sa paguusapan namin! "Oh besh san ka pupunta hapon na ah?" tanong ni Jannah. "Kakausapin ko lang si Zack," sabi ko at tinignan ang reaksyon niya. "Go girl! Gusto mo gumawa pa ako ng banner tapos e cheer pa kita gandang ideya diba..?" loka-loka talaga to kahit kailan. "he! Ewan ko sayo! Sige na aalis na ako bye~" at lumabas na ako ng bahay, Sumakay lang ako ng taxi! Papunta don sa bahay niya. Pagdating sa gate don na ako bumaba, lalakarin ko nalang papunta don sa bahay niya, Nakita ko naman ang gwardya at pinagbuksan niya ako ng gate. Nagpasalamat naman ako at naglakad na papasok. Naaninag ko sa malayo, may isang baba

