Chapter 3

1079 Words
LUMABAS na s'ya ng pinto at hinayaan akong magpahinga sa kwarto. Nagulat pa ako ng dito n'ya ako dalhin sa guest room. I was expecting somewhere near the barn or something like that. It's nice that I have a bathroom in here. Kating kati na akong maligo. Pakiramdam ko ay isang dangkal ang kapal ng alikabok sa katawan ko at ang dusing ko na. Kumuha ako ng damit sa bag at nagdiretso sa banyo. Binuksan ko ang shower at ng matimpla ang tubig ay sumalang sa ilalim ng dutsa. I felt my body relax and when my father's death crossed my mind, hindi ko na napigilan ang lumuha. Gusto kong sumigaw sa galit sa mga taong pumatay sa kanya at sa lungkot dahil pareho na silang wala ni Mommy ngayon. Mag-isa na ako. Nang mapakalma ko ang aking sarili ay pinatay ko na ang shower at hinagip ang towel. I dried my hair a bit then my body. Isinuot ko ang tshirt ko pero nang isusuot ko na ang underwear ko ay hindi ko makita. Wala sa banyo. Short ko lang at tshirt ang nandito. Saan napunta 'yon? Damn! Baka nalaglag sa kwarto. I went out with my shirt on at itinapis ko ang towel sa baywang ko. Bitbit ang short sa kanang kamay, tumutulo pa ng kaunti ang buhok ko. I can't believe how short it is. Napansin ko ang panty ko sa sahig malapit sa may pinto. Hayun! Nalaglag siguro kanina sa pagmamadali ko. Nang hablutin ko 'yon ay biglang bumukas ang pinto. F*ck! "Ares!" I was holding my panty in the air. What the hell?! Palagi na lang n'ya akong naaabutan sa hindi kaaya-ayang sitwasyon at palagi akong walang suot na panty! Senyales na ba ito? Damn it! Stop your carnal thoughts, Atlas. Oo nga at gwapo si Ares — ano nga ang tawag nila? Yummy. Oo na, yummy na s'ya pero ayaw n'ya sa 'yo. Crush n'ya ang glamorosang ikaw. Not the one in from of him right now. Mukhang napako din ito sa kinatatayuan at nang makabawi ay nagsalita. "Sorry, luto na ang panty — sh*t," napatampal ito sa noo. "I meant luto na ang lunch. Yes, kakain na," nakita ko ang sunod sunod n'yang paglunok. Tango lang ang naisagot ko pero hindi s'ya umaalis at nakatitig sa mukha ko. Nakilala n'ya ba ako? Now I'm more worried that he might recognize me kaysa sa panty na hawak ko. "Ares, leave." Bigla itong nataranta. "Yes, sorry. I'm going." Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas s'ya at sumara ang pinto. Ni-lock ko 'yon at saka mabilis na nagbihis. Sinuklay ko lang ng kamay ang buhok ko saka ko naalala na hindi pa ako nakakatoothbrush. My gosh! Kung naghalikan kami ay bad breath ako!? Atlas naman, you're on the run pero halikan ang naiisip mo ngayon? Focus. Mabilis akong nagtoothbrush saka lumabas ng kwarto. Nakahain na at nagsasalin s'ya ngayon ng tubig sa baso. "Nana Josie, this is Amber. Amber, si Nana Josie. Dito sila nakatira ni Tatay Resty." Ngumiti ang matanda. "Magandang hapon, Amber. Ikaw ang nobya ni Ares?" Nagulat ako sa sinabi n'ya. "Uh —" Umiling si Ares at natawa. "Nana, hindi ko s'ya girlfriend. S'ya ang bagong tauhan sa rancho." "Tauhan? Ano?" Kumunot ang noo at wari ko ay nalito s'ya. Napakamot ito sa leeg. "Naghahanap po s'ya ng trabaho at matutuluyan. Nakasabay ko s'ya sa barko." "At anong trabaho ang ipapagawa mo sa kanya?" "Magpapaligo at magpapakain ng kabayo, maglilinis ng kwadra at tutulong sa gawain dito sa bahay. Of course ang pagluluto ay sa inyo pa rin," paliwanag ni Ares. "Ares, mabigat ang trabahong 'yon para kay Amber," tumingin s'ya sa akin at mukhang nag-aalala. "May magtetraining naman sa kanya at hindi s'ya magbubuhat ng kahit anong mabigat. Relax, Nana. She will be okay." Bumuntong hininga ang matanda. "Sige. Pero Amber, kapag napagod ka ay huwag kang mahihiyang magpahinga. Kumain na kayo at alam kong pagod kayo sa byahe." Naupo kami at nagsimulang kumain. Napansin ko ang pagtingin tingin ni Nana sa akin. Alam kong medyo magulo ang buhok ko dahil kamay lang ang ipinangsuklay ko kanina. Nahihiya rin kasi akong paghintayin si Ares lalo at luto na ang pagkain. "Ares, hindi mo ba napapansin?" "Ang alin po, Nana?" Patuloy ang pagkain nito. "Si Amber ay nakakahawig ng crush mo. 'Yong artista. Ano nga ang pangalan n'ya?" Biglang inubo ang bwiset. "Nana naman, gusto n'yo na yata akong mamatay," nagkadasamid samid ito kaya inabot ang tubig at uminom. "At bakit ka naman mamamatay?" "Sa sinabi n'yo ay nasamid ako. Pakiramdam ko ay pumasok sa ilong ko ang kanin," napangiwi ito. Ew. Ano ba kasing nakakasamid sa sinabi ni Nana? Eh talagang kamukha ko naman ang crush n'ya dahil ako 'yon. I am the same person, kaloka! Malabo lang siguro ang mata n'ya at kailangan na n'ya ng salamin. Siguro sa yaman n'ya ay kaya na rin n'yang magpa lasik surgery! "At bakit ka naman masasamid? Maganda naman si Amber." Tumingin sa akin si Ares at kumunot noo. "Hindi ko sinabing hindi s'ya maganda. Pero kung ihahambing n'yo s'ya kay Atlas --" tumitig s'ya uli sa akin. Siguro pinagkukumpara n'ya kami sa isip n'ya. Parang timang lang. "Malabo." Bwiset na 'to. Tumikhim ako. "Kung si Atlas ba ako, ibibigay mo pa rin ang trabaho sa rancho?" Okay, fine. I can't help but ask. Mukhang malaki ang crush n'ya. Naiintriga ako. Marami naman akong taga-hanga pero first time kong may makadaupang palad na katulad n'ya at hindi ako makilala. Ganoon na ba talaga kalayo ang itsura ko at kahit kaunti ay hindi ko makamukha ang crush n'ya? "Bakit gusto mong malaman?" "Nacurious lang ako. Para kasing gustong gusto mo s'ya," tukso ko. Sumabat si Nana. "Naku Amber, hindi lang gustong gusto. In love 'yan kay Atlas. Lahat na lang ng pelikula pinanood. Kaya bihira 'yan maglalabas ng rancho unless may meeting," tatatawa tawang kwento n'ya. "Talaga po. Wow." Bumaling ako kay Ares. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Paglilinisin mo pa rin ba s'ya ng kwadra?" Ngumiti ito. "S'yempre hindi. Ayaw kong mahirapan s'ya. At hindi trabaho ang ibibigay ko sa kanya." "Ano naman?" "Apelyido ko. Pakakasalan ko s'ya agad kapag nabigyan ako ng pagkakataon na makilala s'ya." Muntik na akong mahulog sa upuan sa sinabi n'ya. Apelyido? Kasal? Baliw yata ang lalakeng ito. Nasa harap na n'ya ako ay hindi naman makilala. Bakit? Magpapakasal ka ba sa kanya kung makikilala ka n'ya bilang Atlas -- ang babaeng gustong gusto n'ya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD