“ARE YOU okay now?" bulong kay Cassandra ni Gino nag muli silang magkita matapos ang ilang araw mula noong nagtungo sila sa mansyon ni Leandro. Napairap si Cassandra. "Ano ka ba naman? Of course, I am." ganting-bulong niya. "Alam mong hindi sina Leandro ang aapi sa’kin." "Whatever, dear." maarteng sagot ni Gino. Lihim na natuwa si Gino nang makitang mukhang okay na ulit ang kaibigang si Cassandra. "Oh, Cassy. Hinahanap ka ni Papa." Bahagyang lumayo si Gino kay Cassandra nang dumating si Yuan. "Bakit daw?" Uminom ng juice si Cassandra mula sa hawak na baso. "Pumunta ka nalang doon. Nasa left wing sila." sabi ni Yuan at pabagsak na naupo sa couch nitong hotel. Nasa Cebu sila ngayon, opening na kasi ng hotel nila dito. Tumayo na si Cassandra at lumakad papunta kung nasaan sina Uncle Hen

