DAHIL sa pagkakangiti nitong iyon, hindi na rin napigilan ang pagganti sa ganoong paraan, napangiti na siya at hindi na inisip pa kung na-damage na ang mamahalin niyang gown. She could buy tons of it if she wants to. The hell with this gown! Okay, hindi siya si Cassandra Aragon ngayon. Nabibilang siya sa mga simpleng babae ngayon ng lipunan. "So? What are we going to do now?" nakangiting tanong niya. Hinubad naman ni Daryl ang coat nito, at siya? Hinagilap niya ang necktie ng binata. Kailangan hindi lang siya ang mukhang simple ngayon. Lumawak ang ngiti ni Daryl ng ipuyod ni Cassandra ang kulot-kulot niyang buhok gamit ang tie nito. Kung kanina ay maayos itong nakaladlad at nangingintab, ngayon ay nakaipon na ito. May ilan na lang hibla ang lumaylay sa gilid ng mukha ni Cassandra. "Bet

