MATAPOS ang engkwentro nila ni Daryl sa parking area ay nag iwasan na rin sila. Kinabukasan sa property ng hotel, pareho silang abala sa kani-kanilang mga inaasikaso. Dumating pa nga sa pagkakataon na nasa loob lang sila ng isang opisina. Ang opisina na ipinagawa ni Uncle Henry para sa magiging OIC ng hotel. They treat each other as strangers. Naging distant na din naman ang binata sa dalaga. Umuwi na si Cassandra ng Manila ng hapon na iyon habang si Daryl ay naiwan. "Mabuti at nakarating ka, hija." nakangiti siyang niyakap ni Uncle Lai ng dumating si Cassandra. Tipid naman siyang ngumiti at nakipag beso kay Uncle Lai at sa asawa nito, "You're beautiful than ever, Cassandra." Bati naman ni Mrs. Takashi na ginantihan lang ng dalaga ng mas simpleng ngiti. Pumasok na sila sa loob ng pin

