"HEY! ’Yung pancake mo oh, lumalamig na." Napukaw ang atensyon ni Cassandra sa nagsalita. Naupo sa harapan niya si JD kasama pa rin si Daryl. "A-ah, yeah." Tila wala sa sarili niyang sabi at kinuha ang fork at bread knife. Nawalan na yata siya ng gana dahil sa nabasa. Nilaro-laro lang niya ang pancake na nasa plato. Nang maka-order ang mga ito ay siya na muli ang binalingan ni JD. "Kamusta na pakiramdam mo? Okay ka na ba?" hinawakan pa nito ang kaniyang braso at tinitigan kung may mga mapupula pa. "Oo, salamat sa inyo." Sagot ni Cassandra. Nang maalala naman niya ang tungkol sa mga bulaklak, "Ah, JD, thank you din sa flowers." This time, si JD naman ang napakunot-noo. "Flowers?" tumango si Cassandra. Lalong rumehistro sa mukha nito ang pagtataka. "Hindi ako nagpadala ng bulaklak sa'yo.

