NARITO ngayon harapan ng salamin sa bathroom ng bahay ni Daryl si Cassandra. Ilang oras na ang nakalilipas mula sa naging pag-uusap nila ni Gino, ngunit kahit isang minuto ay hindi nawaglit sa isip niya ang sinabi ng kaibigan. "So don't ever say that you can't love. At base sa nakikita ko sa’yo, you already love Daryl. " Pinagmasdan niya ang repleksyon ng sarili sa salamin. Is she really in love? Napahawak siya sa kaniyang mukha. Kaya ba may buhay na ang mga mata niya ay dahil sa binata? Umiling-iling si Cassandra. Hindi maari. Kapag nagmahal, kasama na dito ang masaktan. She can't bear to get hurt again. She have had already her share on it. But the question is, does she really love Daryl? Tinimbang ni Cassandra ang nararamdaman. Ang mga nangyayari sa pagitan nila ng binata. With e

