Chapter 23 Sa Underground Society, Southbound kung saan nagbubulungan at hindi makapaniwala ang mga miyembro nito habang nakatingin sa isang taong hindi nila inasahan na pupunta sa teritoryo nila na nararamdaman nila ang mabigat na presensyang dala nito. Nakatingin lang sila dito habang nag lalakad ito ng seryoso patungo sa pavilion kung nasaan ang emperor ng southbound. “Anong ginagawa ng Emperor ng northbound dito? Paano siya nakapasok ng hindi man lang nasasaktan ng mga nagbabantay sa may gate ng bound natin?”mahinang pahayag ng isang taga southbound na alam nilang naririnig ng di nila inaasahan na dumating. “Anong tanong ‘yan? Emperor ng northbound ang narito ngayon sa bound natin kaya malamang na wala lang sa kaniya ang mga bantay sa gate natin.”sambit naman ng kasama nito

