Chapter 27 Isang linggo ang lumipas ng matapos magsimula ang training ng kambal kay Taz, at training nina Travis kay Exxon na nagbigay sa kanila ng isang linggong sakit ng katawan. Ilang araw ding hindi sila makabangon ng ayos sa higaan nila dahil sa mga bali na natanggap nila kay Exxon na binigyan sila ng malakas na suntok sa iba’t-ibang parte ng katawan nila ng makatama sila dito. *FLASHBACK* “Ahhhhh! Letse! Malapit na akong maubusan ng tubig sa katawan dahil lahat ng pawis ko mga nagsilabasan na. Peste! Gutom pa ako, tangna Coroneo isang suntok lang gago ka!”singhal na angal ni Paxton na hinahapo ng nakaluhod sa may ring habang sina Balance, Ford, Travis at Shawn ay patuloy ang sabay-sabay na pagsugod kay Exxon na hindi man lang nahihirapan na iwasan ang pagkilos nila. Sabay-sabay n

