-THIRD PERSON P.O.V- Nang masiguro ni Taz na nailayo na ni Balance si Serenity ay walang emosyong tiningnan nya ang mga lalaking kumuha kay Serenity.Nag aapoy sa galit ang dibdib ni Taz dahil sa pagkuha nila sa babaeng mahal nya.Kanina ng marinig nya ang boses ni Serenity at sinabi nito na nakidnap sya ay umusbong bigla ang takot sa dibdib nya na matagal nya ng hindi nararamdaman simula ng maiwan syang mag isa. Akala ni Taz matapos ang nangyari noon ay tapos na ang lahat,nakapaghiganti na sya sa grupong walang awang pumatay sa pinakamamahal nyang ina, bunsong kapatid na babae at sa iniidolo nyang ama.Akala nya kung may buhay din na mawawala sa grupong iyon para sa kabayaran ng buhay ng nawala sa kanya ay kuntento na sya kaya ng sa tingin nya ay wala na ang grupong sumira sa buhay nya ay

