Chapter 35 “Sa tingin mo ba mananalo kayo sa amin? Kawawa naman ang northbound dahil may pumasok sa bound nila na pipitsugin at may Emperor silang mahi---“ “Binibigyan kita ng karatapatan na maliitin kami, kahit husgahan mo kami maghapon tangna wala akong pakielam pero huwag mong maliitin o kutyain ang lider namin dahil lang sa nagpasok siya ng isang grupo sa bound niya. Isang bases pa akong makarinig ng pangkukutya ng gago mong bibig sa lider at kaibigan namin, nasisiguro ko sayo, bago matapos ang araw na ‘to sisiguraduhin namin na lahat kayo malulumpo.”putol na seryosong banta ni Travis sa kalaban niya dahil hindi pa man nagsisimula ang laban nila ay pinapainit na nito ang dugo ni Travis dahil sa nilalabas ng bibig nito patungkol kay Taz na kita niyang pang-asar na ikinangisi lang nito

