Chapter 25 “Boxing gym? Teka Taz anong ginagawa natin dito?”naguguluhang tanong ni Travis nang dumating sila lugar na ibinigay ni Taz sa kanila. Nang makatanggap sila ng email kinabukasan mula kay Taz ay agad silang nagtungo sa lugar na isinend nito, wala silang pasok ngayon sa mga universities nila maliban kay Shawn na nag-skip na naman ng praktis para makapunta sa meeting place nila ngayon. Bakas sa mukha nina Travis ang pagkalito nang dumating sila sa isang boxing gym na walang katao-tao maliban sa kanila at kay Taz na nakatayo na minsan lang nilang makitang naka porma ng ripped jeans at sandong puti dahil lagi itong pormal sa mga sinusuot nito. “Mukhang pang malakasan ang boxing gym na ‘to ah, kumpleto sa gamit at mukhang alaga sa maintenance.”kumentong pahayag ni Shawn

