Chapter 63 Phantom’s Untold Story “Believe me Valdemor, may pumutol ng mga kable na naka-connect sa mga monitor. Magsisimula pa lang ang palabas ng mag black out ang mga monitor, nang pinapunta ko si Leon para i-check ang transmitter room, nakita niya yung isang kable na putol.” Hindi mapigilang matuwa ni Valdemor habang pinapanuod at pinapakinggan si Cinco na nagbabalita sa kaniya sa nangyaring pagkawala ng broadcast ng dapat na mapapanuod nilang laban ng Phantoms. Dinedetalye pa nito sa kaniya ang mga nakita nitong dahilan ng pagkawala ng broadcast na nakita ng isa nitong Cartier. Nang makalabas si Leviticus sa library office nito ay siya namang dating ni Cinco upang magbalita sa nangyari problema na ikinalibang ni Valdemor sa pakikinig kay Cinco. Ipinatong ni Valdemor ang ka

