"Saan mo ba ako dadalhin?" Takang tanong ko kay Gray habang seryoso siyang naka tingin sa daan. Kanina lang kasi ay nakalabas na ako ng hospital. Nag bigay lang ng reseta ng gamot at payo si Uno para sa akin para sa tuluyan kong paggaling. Pagkalabas namin ng hospital ay agad na dumeretso kami sa kotse ni Gray at iniwan lang namin ang iba pang mga gamit na dinala niya sa hospital kay Hugo, iyong bodyguard at driver na pinadala ng mommy at daddy niya. Binabaybay namin ang isang pamilyar na daan sa akin. Hindi lang ako sigurado kung iyong lugar ba na nasa isip ko ang pupuntahan namin. Pinatugtug ko ang stereo at sinandal ang ulo ko sa sandalan ng seat. "To the place where it all started..." He said while cupping my one hand. Iyong isang kamay niya ay nakahawak sa manibela habang 'yong is

