Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Pilit na ngumiti ako saka inayos ang headband sa buhok ko at ang suot kong uniform. Ito ang unang araw ko sa mga Kinrade. Kailangan kong ayusin ang pagta-trabaho ko para maka ipon ako ng sapat na pera para maka-alis at makahanap ng mas maayos na trabaho. Naalala ko pa ang pagpapakilala sa akin kanina ni Manang Celia kay Señorito Hector. "Señorito, siya po ang bagong katulong dito sa rancho. Siya po 'yong pinadala ni Loling sa Maynila," magalang na sabi nito sa bago kong amo saka ito tumingin sa akin. "Magpakilala ka kay Senorito hija." Ngumiti ako saka nag bow kay Señorito Hector. "Magandang umaga ho Señorito. Ako po pala si Fel-Patrice po." Hindi ko alam pero seryoso at matalim siyang naka tingin sa akin na para bang kinikilatis niya ng buo

