Sandaling bumalik lang kami sa condo unit niya para makapag linis ng katawan at makapag bihis. Nang ma ready na ang lahat ay sumakay na kami sa sasakyan niya para tunguhin ang bahay ng pamilya niya. Naka suot lang ako ng dirty white long sleeve dress at tinernohan ko ito ng red flat shoes. Sakto lang naman ang tangkad ko nasa mahigit 5'4 kaya tama lang siguro na hindi na ako mag suot ng heels. Si Gray naman ay naka suot lang ng simpleng plain white long sleeve na tinernohan niya ng jeans na hapit lang sa kanya. Naka white pair of converse shoes lang din siya para daw bumagay ang suot ko sa suot niya. May dala rin kaming basket ng prutas at isang mousse cake. Nakarating kami sa isang exclusive village. Mayroong humarang sa aming dalawang security guard bago kami tuluyan pinapasok. Hindi ko

