Missing “SAAN ang punta mo?” tanong ni Apollo sa akin na seryosong nakatutok ang mga mata sa Ipad na hawak-hawak. Kumunot ang noo niya na tila may hindi nagustuhan sa binasa at ibinaba na iyon sa gitna namin. “Narinig mo ba ako?” Tumikhim ako at tumango. “Ah oo, pababa na lang ako sa may sakayan ng taxi–” “Nah. Just tell it to Kuya Gardo. Wala naman akong schedule.” “Huh? Hindi na Sir, nakakahiya–” “Just tell the address,” humikab siya at ipinikit na ang mga mata. Napangiwi ako nang wala pa yatang ilang segundo ay narinig ko na ang pagbigat ng hininga niya. Mukhang nakatulog na talaga. “Sabihin n’yo na lang, Ma’am. Magagalit ‘yan si Sir kapag ipinilit n’yo pang sumakay ng taxi.” Tumango-tango ako at sinabi ang school ni Elias. “Sino pong susunduin n’yo Ma’am?” tanong sa a

