Mad “Alana?” Humigpit ang kapit ko sa cellphone ko nang marinig ang nakikiusap na boses ni Nitrogen sa kabilang linya. “Anong oras ang a-alis mo?” “Three hours from now.” Napapikit ako at naglakad patungo sa kwarto ni Elias. Nang silipin ko siya ay mahimbing pa rin ang tulog niya. “Natutulog si Elias. Walang magbabantay sa kanya.” “I-I see–” “S-saglit lang talaga tayo pwedeng mag-usap Nitrogen, maya-maya lang ay magigising na ‘to si Elias.” “Oo, alam ko. Aantayin kita dito sa coffee shop na tabi ng tower.” “Okay, sandali lang.” Isa pang sulyap ang binigay ko sa anak ko at nang masigurong mahimbing pa din ang tulog niya ay dali-dali akong lumabas ng unit ni Arvie dahilan para maudlot na naman ang pagkain. Habang nasa elevator ay napatingin ako sa suot na singsing. Naisip ko an

