Marked MY heart skipped a beat when I woke up with Arvie’s face so close to me. Malalim ang paghinga niya at tulog na tulog pa rin. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang inuunanan ko at sa hita kong nakadantay naman sa bewang niya. Samantalang ang braso niya ay nakapulupot naman sa bewang ko. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Mas tumindi iyon nang umungol siya at mas hapitin ako payakap sa kanya. Wala sa loob na napahawak ako sa leeg ko nang maalala ang ginawa niya kagabi. “Marking you…” Mariin kong ipinikit ang mga mata at kahit gusto kong manatili na lang sa init ng yakap niya ay dahan-dahan akong kumilos at umalis sa tabi niya. Kung hindi ko iyon gagawin ay baka sumabog ang puso ko sa labis na t***k no’n. Maingat ang paghakbang na luma

