Witness “AYOS ka lang ba talaga? Parang pagod na pagod ka kahit nagsisimula pa lang ang araw ah?” puna ni Ate Gil sa akin na kausap ko sa video call. Larawan ang pag-aalala sa boses at mukha niya. Sa reaksyon niya sa hitsura ko ay parang nais kong pagsisihan na tinanggap ko ang video call mula sa kanya habang nasa banyo at naghahanda sa pagligo. “Kakaluto ko lang kasi. Maliligo na nga ako nang tumawag ka,” pilit ang pagtawang tugon ko ipinapakita sa kanyang ayos lang ako kahit ang totoo’y hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari sa hapag kanina. Napapunas ako sa mukha kong tila nagmamantika at napatingin sa damit kong may mantsa. Bumuntonghininga si Ate Gil sa kabilang linya halatang hindi kumbinsido sa naging sagot ko. Tila may mga nais pang gustong sabihin pero pilit na ng

