Naging good boyfriend naman si aldrin sa kanya pero habang tumatagal naging possesive na ito sa relasyon, madami bawal at hindi na halos maka pasyal ang babae, lagi naman din iniisip ni Angel hindi naman din nya kailangan pumasyal kasi busy sya sa pag aaral at may hahabulin pa syang average sa school para sa scholarship nya.
---SA SCHOOL--
Gel, we have upcoming Immersion sasama kaba?
Oo naman, di ako pweding absent don.
1 week tayo don at bundok yon walang masyadong signal.
Go lang! Carry lang yan.
Punta kami sa bhouse mo mamaya dala namin materials para sa immersion mas maganda kasi pag ikaw gumawa.
Cge pauwi na din naman ako, sumabay kayo sakin..
Si Bryan at Paul nalang muna sabay mo kasi kukuha pa ako gamit sa house at magpapaalam pa ako kay mommy.
Angel just nod and go home kasama ang classmates nya na boy na ka grupo naman nya...
When they arrive on Angel's apartment...
Bryan just sit na muna jan teka lang magbibihis lang ako pambahay at suddenly may nag abot ng pagkain sa kanila from other room, ganun kasi sila don nagbibigayan.
Bry paki kuha naman, pakilagay sa table malapit sa kama ko, maliit lang naman bhouse, maliit na table lang din andon sa kwarta, medyo kampante naman si angel kay Bryan kasi may pagka bakla ito.
Habang nasa loob ng kwarta si Bryan para ilapag ang pagkain at si Angel naman ay nagbibihis na nakatalikod at nakatuwalya may pares ng mga mata na naka tingin na pala sa kanila at nag aapoy sa galit na gusto na ata lumamon ng tao.
Paul the other classmate called Angel's attention.
Gel naay tawo.
Napalingon si Angel at nandon si Aldrin na halos di muna maintindihan ang dilim ng mukha.
Best? Kanina ka pa? tanong ni angel
Ngunit sa tindi ng galit ni aldrin, pinuntahan nya si bryan at hinawakan ang collar ng tshirt nito.
Sino sya best??? Bakit nandito sya sa loob ng kwarto, putang ina sino sya..
Nataranta na si Angel at hinawakan ang kamay ni aldrin.
Bitawan mo sya best, classmate ko lang yan, wag ka magiskandalo dito, nakakahiya ka.
Eskandalo? ako pa ngayon nakakahiya?? ano ginagawa ng lalaki sa loob ng kwarto mo habang ikaw nagbibihis jan?
Best naglagay lang sya ng ulam sa table, tingnan mo. tumigil ka.!!
Pero di ito nagpa awat at kinaladkad nito si bryan sa hagdanan.
Tama na best, Bry paul, text ko nalang kayo pasensya na, uwi na muna kayo.
Sumabog na din sa galit si angel at nasampal nya si aldrin.
Ano ba problema mo ha? nakakahiya ka, para kang walang pinag aralan pwedi naman makipag usap ka ng maayos kasi respito man lang sa akin at sa mga tao dito.
Putang ina, kinakampihan mo yon? ang layo ng byahe ko para puntahan ka at ito dadatnan ko?.
Ilang beses ko dapat sabihin na andito sila kasi may immersion kami bukas at magkagrupo kami bakit ba ayaw mo maniwala? sana hindi ka nalang nagpunta dito kung ganyan lang din gagawin mo, sakal na sakal na ako sayo, mabuti pa maghiwalay nalang tayo.
Nanlaki mata nito at tuluyang kumawala ang galit, sinuntok nito ang dingding kong saan nakatayo si angel, humagolhol ng iyak ang babae dahil sa kaba, pagkapahiya at galit, lahat ng dalang pagkain ng lalaki ay tinapon nya, takot na takot si angel ng oras na yon, pero pilit nya kinalmahan sarili nya.
Best stop please..... umiiyak na niyakap nya ito.
Tama na please calm down, tama na humahagulhol na nga si angel ng iyak, tumigil naman si Aldrin dahil napansin nyang natakot na ng sobra ang girlfriend nya, naging okay sila na parang walang nangyari, sumama si angel sa immersion at kasama nya din pumunta si aldrin, naging masaya at maayos naman ang immersion nya at kailangan na din ni aldrin bumalik ng kampo, tulad ng dati ay alagang alaga pa din naman sya ng kasintahan, pinoprotektahan sya nito lalo na sa mga kalsada at masarap sa kanyang pakiramdam may taong laging anjan para protektahan sya, naka uwi na nga si aldrin ng araw ding yon..
Pagkatapos ng immersion para matapos na ang kanilang 2nd year ay tila ba napapagod na si angel, halos kada umaga sya nasusuka, gusto na nya kumain ng mangga at lagi na syang inaantok, paminsan minsan sa school nahihilo na sya at ayaw na nya maamoy lahat ng pabango na gusto nya noon, nabahala na sya kasi baka may cancer sya natatakot sya mamatay kaya nag pa check up na sya sa doctor at it turns out She was 2 months pregnant. Yes she was pregnant, Hindi nya matanggap ang nangyari, hindi nya alam pano tatanggapin naging mahina sya, itinago nya sa pamilya nya ay tinapos ang 2nd year, Enrollment na nga ng 3rd year at hindi na sya nag enroll, mag 4 months na ang tiyan nya, pero pilit padin nya itinago sa lahat pati kay Aldrin.
Hanggang sa napansin na ito ng mama nya dahil tumataba sya at lumalaki ang balakang nya,
Galit na galit ang mama nya
Ano plano mo jan?, matalino ka pero bakit ka nagpabuntis?Napakaswerte mo pumasa ka pa ng PMA at scholar kapa, anong ginawa mo sa buhay mo? Sino ang ama ng pinagbubuntis mo?
Dahil nga bata pa si angel non, natakot sya sa responsibility at natatakot sya mag asawa, natatakot sya kay Aldrin, Alam nya magiging masaya ito kung malalaman nito na magkakaanak sila, pero hindi masaya si angel natatakot sya.
Mama help me, ipalaglag nalang natin ang bata, di ko kaya maging mommy at lalo ayaw ko magpakasal.
Dahil sa uso ang sapilitan pag aasawa noon hindi na sinabi ni angel kung sino ang naka buntis sa kanya kasi kilala ito ng mama nya, para matapos na sinabi nya dito na may asawa na ang lalaki kaya di na pwedi itong guluhin pa, Sobrang galit ng mama at lolo nya at sobrang kahihiyan ang natanggap nila, ang lolo nya na nagpalaki kay angel ay di na kumibo pero alam ni angel na binigo nya ang kanyang pinaka mamahal na lolo.
This time she failed.
Nagpa schedule na nga sila ng isang abortionist..
Habang papunta sa pupuntahan nila sobra ang kaba ni angel na nakatingin lang sa kalsada, hindi nya alam kung tama ba ang gagawin nya or hindi pero alam nya sa sarili nya, mali walang kasalanan ang bata sa nangyari sa kanya...
Tumatawag si aldrin sa kanya sa celphone.
Best san ka ngayon?
Im going out for some fresh air, nagpipigil ito ng iyak pero di ito nakaligtas sa pandinig ng binata.
Whats wrong tell me?? Why your crying? Nag away ba ulit kayo ni mama? ( mama tawag nya sa mother ko)
Yes but Im okay now, (sinabi ko nalang yon ng di nya alam na papalaglag ko anak nya)
Okay you take care ha when you come back.
nako konsensya sya pero boo na pasya nya di nya kaya mag asawa at ayaw nya muna magka anak.
Pagsapit nila don pinahiga na sya at hinaplos ang tiyan nya,
Miss ipapalaglag mo talaga to almost 5 months na to, may kamay na, may mata, tao na to at di na dugo lang, kung Isa or dalawang buwan to dugo pa lang okay lang pero mag 5 months na to, tao na papatayin mo.
Oo sure na po ako.. ( halo halong emotion na ang kanyang nararamdaman nung panahong yon hindi na nya maintindihan kung ano dapat nyang maramdaman)
Cge miss masakit to ha,
Nang akma na nitong hawakan ang tiyan nya ay sumigaw na sya.
No......... diko kaya po humagulhol na sya ng sobra.
Wag nalang po, wag nyo na po galawin anak ko, bubuhayin ko nalang to mama, umiiyak na din ang mama nya...
Mama kahit ako lang bubuhayin ko to please.