Pagkadating namin sa boarding house inayos ko kaagad ang mga gamit ko para makaalis na din kami agad. Si ate Beth nakahiga lang ito sa kama niya pero di pa ito tulog. " Mamimis kita Ara sana pasyalan mo pa din ako, dito sa boarding house di kaya sa bar. Nasanay na kasi ako na lagi Kang. kasama, kaya sobrang malulungkot ako na iiwanan mo ako ngayon. " " Ate wag ka ng malungkot ok lang yan, dalaw dalawin nalang kita." " Iba pa din kasi yung magkasama tayo eh, ilang years tayong magkasama talaga ngayon lang talaga tyao magkakahiwalay. " sabi nito na nangingilid pa ang mga sa mga mata nito. " Ate lagi kitang pupuntahan, tsaka di ba Pag wala si Miggy sasamahan mo ako kaya wag ka ng malungkot, gusto mo bang sumama sa'min? " " Nakakahiya Kay boss di na kailangan Ara, basta tawag tawag k

