Naramdaman ko ang kumot na pinatong nito sa katawan ko. Di pa rin ako tumitigil sa kakaiyak kaya bigla itong nagsalita.
" Bakit di ka nagpasama sa locker? dapat lagi Kang may kasama. " biglang sabi nito. Minulat ko ang mata ko, nabigla ako sa nakita ko napaka gwapo nito, mukhang artista lalaking lalaki.
" Lagi naman akong mag Isa sa locker pag kakapasok lang po, kasi yung mga kasama ko mamaya pa ang duty nila. " sagot ko dito.
" Ikaw po ba ang boss namin? " bigla kung natanong dito. tumango lang ito.
" Miguel Santillan, you can call me Migs. "
" ok po Boss. "
" Wear this. " Sabi nito sabay abot ng long sleeve nito sakin, at tumalikod ito.
" Thank you boss. " nasabi ko nalang at mabilis ko itong sinuot, nanginginig pa ako dahilan para di ko ma botton ang damit. Di ko napansin na lumingon na pala ito.
" Let me do it. You're shaking relax ligtas ka na. " Sabi nito at pagkapos niyang masara ang suot ko ay inabutan niya ako ng bottled water.
" Drink this. " utos nito Sakin, nakabukas na ito kaya ininom ko na ng deretcho, medyo lumuwag na yung pakiramdam ko, at naramdaman ko na, na ligtas na ako.
" Humiga ka na. " sinunod ko naman ito at pinikit ko ang mga mata ko, Pero yung luha ko ayaw pang tumigil. kaya tinulog ko nalang.
MIGUEL
Ang tagal kung iningatan si Ara, tapos ganito ang nangyari this is bulshit. Iniwan ko muna si Ara at pumunta ako sa office ko. Di pa maingay dahil di pa bukas nag bar dahil maaga pa.
Tinawagan ko si Jonel, sinagot naman nito agad.
" In my office now. " ma authoridad kung sabi dito.
" Yes boss yes boss. " sagot nito. Maya kunti ay may kumatok na office ko, at pumasok na ito.
" Boss. "
" Pano nangyari ito? "
" Boss wala akong alam sa nangyari Pero nung tinanong namin si Danilo bat niya nagawa yun, matagal na daw pala siyang may gusto Kay Ara pero binasted siya nito nung niligawan niya, at akala daw niya papatulan siya ni Ara dahil kailangan daw nito ng pera, at may chismis pa daw na ibebenta nito ng virginity nito kapalit ang 1 million sa isang bilyonaryo. kaya Lang daw niya nagawa yun, babayaran naman daw niya ng 100k si Ara. "
" That's bulshit Jonel, gago ba siya." bulyaw ko dito
" Boss di rin niya akalain na aabot daw sa ganon. "
" Punit punit ang pang itaas ni Ara tas sabihin niyang di aabot sa ganon. Nasan siya babalatan ko siya ng buhay. "
" Nasa kwarto ng makasalanan Boss. " May room talaga sa bar na tinatawag na ganon para sa mga guest na makukulit at di na nag papaawat.
" Boss ito yung unang pagkakataon na nakita ka ng mga empleyado mo. Magpapakita ka na talaga Boss? "
" There's no sense kung magtatago pa ako nakita na ako ni Ara kaya wala ng dapat pagtaguan pa. " lumabas ako at pupuntahan ko ang hayop na Danilo na yun.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakaposas ang kamay nito at bogbog sarado na ito ng mga tauhan ko.
" Subukan mo pang lapitan oh hawakan si Ara puputulin ko yang kamay mo. "
" Sorry boss patawarin mo ako, Sana boss bigyan mo pa ako ng isa pang chance. " dahil sa galit na naramdaman ko kinuha ko ang baril sa drawer at binaril ko ang paa nito, dahilan para mapasigaw ito.
" Ahhhh. " sigaw nito, at Isa pang putok at pinataam ko naman ang kamay nito. di pa ako nakuntento at sinapak ko ang mukha nito kaya ito lumagapak sa sahig.
" A person like you don't have a chance in my bar, you're fired at makukulong kang manyak ka. " Inaantay nalang kasi na dumating ang mga pulis para hulihin at ikulong ito ng tuluyan. Dahil may kakilala ako n siyang may hawak ng bar ko pag may mga trouble na ganito sila ang nag aasikaso.
" Lumpuhin niyo yan bago ibigay sa mga pulis. " binugbog nga siya ng mga taohan ko at bumalik ako sa office ko, na kasunod si Jonel.
" Jonel alam mo ba kung san gagamitin ang pera na kailangan ni Ara? "
" Na hospital daw po ang ama nito at kailangan operahan, Yun ang sabi ni Beth kanina, kasi boss manghiram dapat si Ara para ipadala sa probencya nila. "
" Makakaalis kana, ikaw ng bahala dito. " utos ko dito at sinunod naman nito agad.
Pagbalik ko sa room tulog pa din si Ara, Pero basa pa din ang mga mata nito kaya pinunasan ko. at pagkatapos binuhat ko ito ng dahan dahan. May tagusan mula sa room ko palabas ng parking na ako lang ang nakakaalam. Pagka labas ko sa secret passage ay kotse ko na agad ang bungad nito.
Di ko alam pero gusto kung ilayo so Ara sa bar. tulog pa din ito at wlang kamalay malay kung San ko siya dadalhin. Matagal ko na siyang gusto mula pa nung unang kita ko pa lang sa kanya, Pero napakabata pa niya noon, at kahit kailan nun di ako nagpakita sa kanya. Pero palihim ko siya binabantayan daig ko pa nga ang cctv kung maka totok sa kanya, ganon ko siya kagusto.
kung pwedi nga lang na patayin ko si Danilo kanina ginawa ko na, Pero ayaw ko naman ma makita ng ibang tao na napaka demonyo ko naman, Pero kasi pag sa mahal mo nangyari yun di mo na maiisip kung Tama ba oh Mali, ang gusto mo lang makaganti at malabas lahat ng galit mo.
Nang makarating kami sa bahay ko. inakyat ko na agad si Ara sa room ko. tulog pa din ito at walang ka alam alam na nasa ibang bahay na siya. Gusto ko siyang maalagaan at makilala pa siya. Hanggang masid lang kasi ang kaya kung ibigay sa kanya dati.