" Talaga ba boss? yan talaga ang sasabihin mo sa'kin? ni wala ka ngang reaksyon kanina habang yung kapatid mo kung ano ano nalang ang sinasabi, at yung future wife mo, dapat dun ka. " Sabi ko. dito " huh, ani bang sinasabi mo, wala naman akong ginawang masama. " " So ako ang masama, ako ang may mali dahil umalis ako ng walang paalam, wag Kang mag alala Boss ibabalik ko lahat ng utang ko sayo, Pag trabahoan ko lahat. kung kailangan kung ibenta lahat ng part ng katawan ko gagawin ko mabayaran lang kita. " matapang kung sabi dito. Pero imbes na sumagot hinila ako nito sa private room niya, di ako nakatotol. Nung sinara nito ang pintuan dun na ako tuluyang bumigay. Nag uunahan na naman ang mga luha kung pumatak. Hinayaan lang ako nitong umiyak ng umiyak hanggang sa medyo kumalma na ako.

