" Pwedi naman na ako nalang ang uuwi sa'min, kahit di mo na ako samahan Migs ok ka lang ako. " hirit pa nito.
" No hindi pwedi sasamahan kita wag ka ng humirit pa dahil kahit anong gawin mo sasama pa din ako. " Sabi ko dito.
" Sigi ikaw ang bahala. " masunurin naman pala sa isip isip ko lang . Bigla kung narinig tumunog ang tiyan nito.
" Di ka pa kumain? " tanong ko dito, napakakulit talaga ng batang to.
" Hindi pa, gutom na nga ako. "
" O sigi wait papahanda ko ang pagkain natin." kinuha ko lang ang intercom sa room ko na naka connect sa room ng kasambahay. Sinagot naman agad ni Manang.
" Hello Sir Migs."
" Manang pasuyo pahanda ng pagkain good for two at paakyat nalang sa room ko." utos ko dito.
" Ok po Sir. initin ko lang Sir, dahil lumamig na ang mga ulam po. "
" Ok sigi pasuyo nalang. patulong ka nalang sa pag akyat ng mga food. " Sabi ko dito at binaba ko ng ang telephone.
Para di mainip di Ara binuksan ko nalang ang tv para may mapanood siya habang nag aantay. Tahimik lang ito ngayon di ko alam kung anong iniisip nito.
Ara
Di ko alam bat pa ako dinala ni Sir Migs sa sarili niyang bahay, di naman ako naiilang sa kanya dahil ang bait nito sakin, hindi ko lang lubos maiisip na ang boss namin ang tumulong talaga at nag alaga sa'kin napakaganda ko ba. sa isip isip ko at napangiti ako.
" Migs buhok ko baka naapakan mo." kumunot ang noo nito, haist di na pala ito gen z, kaya di niya ako gets.
" Pwedi ba magtanong? " tanong ko dito.
" Ilang taon na po kayo? at sino po ang kasama mo dito sa bahay ninyo? "
" I'm 30, at ang family ko nasa states sila nag stay sa ngayon dahil nandon ang kapatid ko na babae at kakapanganak lang nito kaya kailangan ni Mommy pumunta at sumama na din si Dad. "
" Nasan ang girlfriend mo? " tanong ko dito, sakto naman may kumatok kaya di na niya ako nasagot sa last question ko. Napakalaki ng room niya parang mas malaki pa bahay sa namin to, tsaka napakaganda mahahalata talaga na maayos sa gamit wala kasing nakakalat na kahit ano lahat naka organized.
May girlfriend na kaya siya, ang swerte naman niya kung sino man siya. pero malay baka wala kasi bat dinala niya ako dito sa bahay niya tas sasamahan pa ako sa leyte, pero ayaw kung masyadong mag assume masyadong mataas naman ang lipad ko kung isipin kung may gusto siya sa'kin yun ata ang pinaka malabong mangyari.Asummirang frog lang ang datingan ko, di magkakagusto sa'kin si Migs dahil isang simpleng tao lang ako, siya pang high class siya pang mayayaman lang.
Baka mabait lang talaga siya sa'kin pero walang meaning yun, naawa lang talaga siya, wag ng mangarap ng gising, dapat kalmahan ko lang ang feeling ko baka ma fall ako sa tall not dark but handsome na lalaking ito.
Ang sarap titigan ng mukha ni Migs para itong Mafia Boss sa mga movie na napapanood ko dahil makapal ang kilay nito at ang tangos ng ilong nito, sabagay parang half yata siya, mabalahibo ito na parang yung nababasa ko sa pocket book nagpapakiliti ng mga bidang babae, yung labi nito, gusto ko yung first kiss ko yung kagaya sa kanya.
'' Ara may dumi ba ako sa mukha? " nagising ako sa tanong nito.
" Wala, bakit? "
" Natulala ka kasi habang naka titig sa'kin. "
" Ah may naalala lang kasi ako. "
" Akala ko kung ano ng naniisip mo, halika dito tayo sa couch kakain. " tumayo na ako, sinipat ko ang sarili ko yung suot ko pa din yung long sleeve niya. lumapit na ako dito.
" kain kana. " sabi nito, ang sarap ng ulam na nakahain beef with broccoli at fried chicken, bigla akong natakam sa bar lang ako nakakain ng masarap dahil may nag aabot sa'kin, ganitong ganito yun. Pag tinanong ko naman si Ate Beth iba daw ang pagkain ng employees meal dun di daw ganon kasarap bat iba lagi yung ulam ko sa kanila kaya lagi akong nagtataka. Pero hinayaan ko nalang.
Sabay kaming kumain gutom ako kaya naubos ko yung nilagay niya sa plate ko, ganitong ganito ang lasa ng food na laging hinahain sa'kin, pero ayaw kung tanungin si Migs dahil baka sabihin niya assumera ako.
" You want more? "
" kunti pa. " nilagyan naman ako nito sa plato ko,ang sweet naman ng dream boyfriend ko sa isip isp ko.
" Sinong nagluto ng food? " tanong ko dito.
" Si Manang siya ang chef namin dito sa bahay, why? "
" Wala lang." tinapos ko na ang pagkain at umiinom na ako ng juice siya din.
Nung tapos na kami kumain siya na ang naglabas ng pinag kainan namin, pero nasa couch pa din ako, tumabi ulit siya sa'kin and i felt something nung magka dikit ang braso namin, parang gusto kung magpa kulong sa mga bisig nito, ang sarap niya kasing yumakap, kagaya kanina. Pero pinigilan ko ang sarili ko at nag focus nalang ako sa pinanood namin kahit wala akong naintindihan dahil yung attensyon ko ay nasa katabi ko.
" May extra toothbrush sa banyo kung gusto mo mag wash up, pumasok ka lang dun. "
" Ok. " dahil naiihi na din ako kaya pumasok na ako sa banyo niya, iba talaga ang banyo ng mayaman, parang buong bahay na namin. at ang daming gamit sa loob may cabinet para sa mga di pa nagagamit towels bathrobe. kakatingin ko sa paligid nagulat ako dahil bigla itong pumasok.
" Pumasok na ako baka kasi di mo makita. " kumuha ito ng towel at toohbrush at inabot sa'kin.
" Thank you. " nasabi ko nalang.
" take you're time and also feel at home ok, don't be shy. " sabi nito at lumabs na ito ng banyo.