" Pano niyo napagkasya ang Pera na pinapadala ko Ma? Eh di naman ganon ka laki yun. " " Anak naman di naman tayo sanay sa mga ganong pera, Ang laki ng pinapadala mo sa'min, naliliitan ka ba dun eh minsan 30k napapadala mo sa isang buwan. Halos 4years ka dun kaya nung naipon namin ang pera mo nakapagawa kami ng ganito. halos magkano lang naman nababawas namin para sa pang araw araw namin na pagkain, tsaka si Papa mo may ani din kaya pang ulam nalang talaga ang ginagastos namin. " sabi ni Mama na surprise talaga ako dahil maayos ang gawa ng bahay hindi siya basta basta at medyo malaki ito. " Mama grabe naman po ang ginawa niyo di ko talaga inakala na ganito kaganda ang kalalabasan, ang akala ko nga kanina pagka dating namin wala pa kayong napagawa dahil para sa'kin napakaganda po nito at

