IM A s*x SLAVE FOR " MARCUS LEO "
#WARNING_SPG
CHAPTER 9
Namatay nga si Zuka , at ang Driver nito .
Nagka Amnesia si Marcus , tatlong araw bago nangyari ay nagising si Marcus sa pagkaka coma nang tatlong araw .
Magkatabi lang nang kwarto sila Sophia ang sabihin nang isang nurse na nagbabantay dito ay gising nadaw .
Yung Pamilya ni marcus ay agad naman pumunta .
Sila lahat ay nandun na naghihintay na matapos echeck si Marcus .
Gising na nga ito , kanina kasi gising ito pero naka tulala lang.
Ngayon ay lumapit na sila dito at pinalibutan si Marcus at pati narin pamilya ni Sophia . si ben at nicky nandun din .
Napatingin si Marcus sa kanilang lahat .
'' Marcus anak ? '' agad sabi ni Lucy
'' S-sino ho kayo ? '' sabi nito
Agad tiningnan nang doctor ito , at confirm nag ka amnesia ito .
'' Sa ganitong kaso ay talagang , magkaka amnesia po Sir Montero . '' sabi nang doctor sa ama ni Marcus .
Sa ngayon ay kailangan mo na natin siyang iwan mag isa at nang makapagpahinga ''
Gusto sana lapitan ni Sophia at yakapin ito , pero anong karapatan nya . Kahit magpasalamat nalang dito sa pag ligtas sa kanya , ilang ulit na siyang niligtas nito , pero dahil sa katigasan nang kanyang ulo ay napahamak na tuloy ito .
Isang Linggo ay nakalabas na sila sophia at marcus .
Kahit magkatabi sila nang kwarto nito ay hindi niya napupuntahan ito sa mismong kwarto .
'' Maam ? '' tawag ni sophia kay Lucy nang nadatnan ito na nag aalmusal kasama ang kapatid nito na si leonardo ( ama ni marcus )
'' Ohhh iha , wala kabang pasok ? , dapat kanang pumasok , 4 days kanagn absent ''
'' Good morning ho , senyorito Leo ''
'' Upo ka , mag almusal ka ''
Sobrang ba-it talaga nang ama ni marcus .
'' Uhmm tapos napo gusto kolang sana humingi nang patawad sa nangyari kay marcus ''
'' Nakuuu ok lang yun , Babalik ang ala ala ni marcus soon , maniwala tayo sa panginoon ''
''Kasalanan ko kasi yun , ''
'' huwag munang isipin yun iha , Ganun talaga pag nagmamahal , gagawin ang lahat , mailigtas lang ang minamahal sa kapahamakan ''
Napangiti naman ang matanda na si lucy ,l parang tinutukso siya nito sa pag ngiting iyon . Lalo na ang ama ni marcus .
''Basta ho! patawarin niyo ako , gagawin ko nalang po ang lahat , para maibalik ang ala-ala niya ''
'' gagawin natin lahat ? ok ? '' sabi ni lucy
''SALAMAT po ''
'' walang ano man iha ''
Ngitin nalang ang ginanti niya at tinalikuran na niya ang dalawa.
---------
Kumakain si sophia sa canteen habang may gwardya sa likuran .
'' Nakakahiya naman ho! , kung ako lang kakain , saluhan niyo na po ako ''
'' talaga ho? ! ''
agad sabi ni Karding , Ito yung naka assign na magbabantay kay sophia kung saaan man pupunta ito .
'' HOY!! pambihira ka talaga !! partner alis ka nga!! dyan ''
sabi nang isa pang nagbabantay sa kanya . Dalawa kasi ito .
Nang lingunin niya ito ay napapansin niya na may itsura ito .
'' Hello po maam '' sabi nito , ngayon lang kasi niya ito nakita dahil si karding lang naman talaga yung sinabi nang ama ni marcus na magbabantay sa kanya .
'' Sabay na kayo okay lang naman sa akin ''
Lagi siyang nginingiti an nito , mas lalo naman itong gumwapo pag naka ngiti .
'' Pero pinagbabawalan ho kasi kami sa ganyan maam ''
'' Anong maam , ? Sophi nalang '' sabay lahad ni Sophia nang kanyang palad para makipag kamay .
Inabot naman nang lalaki ang pakikipagkilala niya .
'' Enver ho maam ''
''sabi ko huwag muna akong emaam ''
''Sorry sophi ''
'' Tara kain tayo , sabayan niyo ako ''
Si Enver ay Napaka Gwapo din nito at napaka Kisig , kung sinong babae ang makakasalubong nito sa daan ay siguradong mapapalingon .
------
Nagising si Marcus , Naiilang kasi siya sa mga tao sa labas kaya hindi siya lumalabas .
Nang tingnan niya ang gilid nang kama ay may mga pictures na nandoon .
Nang tingnan niya isa-isa yun ' ay larawan nag isang babaeng iba iba ang kuha! .
Mahimbing na natutulog ito , at Tumatawa ito na may kausap na matanda , Higit sa lahat ay ang pagsimangot nang babae .
Doon siya napangiti .
''Sino kaya to ? '' sabi niya sa kanyang sarili
May biglang pumasok at yun ay si ben .
'' Hey bro!! aba tinitingnan mo yung larawan nang minamahal mo ah! , naaalala moba sya ? ''
Nagpakilala na ito sa kanya kanina at ito nga daw yung bestfriend niya .
'' Mmmm. Girlfriend ko ba to ? '' tanong niya
'' Hmmmm. Pag mamay ari mo , yan yung lagi mong sinasabi eh nung dipa nawala memorya mo ''
'' So asawa ko sya? ''
''Parang ganun na nga , iisang bahay lang kayo nakatira eh ''
'' Itong babaeng to na ubod nang ganda? , pagmamay ari ko ? ''
'' oo nga , Tingnan mo mamaya uuwi yun dito ''
Kinindatan pa ni Ben ito .
''swerte mo dyan ''
Sabay labas sa silid niya ito .
Napapa isip nalang siya sa sinabi nito . Ayaw niyang pilitin ang maka alala dahil sumasakit nang sobra ang ulo niya .
-------
Pa uwi na si Sophia , tahimik lang siya habang Binabaybay nila ang daan patungo sa mansyon .
Iniisip niya kasi si marcus .
Maya maya ay nakarating na sila .
'' maam salamat ho pala sa lunch kanina '' ngiting sabi ni enver .
''walang ano man enver , nag ma maam kananaman eh hahah ''
'' Kailangan po kasi , nandito panaman tayo sa mansyon maam sophia ''
'' sige , tatanggapin ko ngayon yang dahilan mo , sige pasok na ako ''
Ngiti lang ginanti nang lalaki .
Humakbang na si sophia papasok nang Nandun pala si Marcus na katayo sa pintu an .
''H-hi ''
Nagtitigan silang dalawa , hindi niya alam ang sasabihin nauutal siyang kaharap ito .
Pero mas nautal siya sa ginawa nito . Hinalikan siya sa mga labi , halik na kasing lambot pa nang unan niya .
'' G-gutom kana? '' sabi ni marcus
Napatingin si Sophia kay ben na ngumiti nang nakakaloko .
'' Abaaaa ang sweeet hu! '' kinindatan pa sya ni ben na sinasabing sabayan ito
''H-hu ? Oo kanina pa Marcus ''
'' Tamang tama nagluto ako ''
Ngiting ngiti ito , abot tenga ang ngiti .
'' uhm , sorry nung nagdaang araw ' hu? hindi kita kinakausap , kasi naman alam muna kalagayan ko diba? , Hindi ko alam asawa pala kita ''
Nagulat si Sophia sa sinabi nito . Napatingin siya kay Ben tawang tawa ito , pagkatapos ay inagbayan siya .
'' Alam ko namang mahal mo si marcus kaya lubos lubosin muna , habang hindi pa masungit sayo ''
Sabi nito .
Oo mahal nga niya ito , pero ito ba mahal siya? .
''Abaaaa ang sweet naman nang anak ko sa kanyang asawa? ''
Pati ba naman ang ama ni marcus ay kasabwat at kasunod non ay si INA-INAHAN ni marcus na si lucy .
'' Wow , nag seselos ako niyan hu? , pinagluluto mo siya ''
'' Asooosss para sa atin lahat to '' sabi pa ni marcus
Nnadun din ang pamilya ni Sophia , at masaya silang kumakain .
Habang alagang alaga naman siya ni marcus nang gabing iyon at masaya silang nagsasalo .
--------
'' Saan kaba matutulog? ayaw mo ba akong katabi ? '' sabi ni marcus sa kanya .
'' H-hu? , k-kasi marcus , ''
'' Sige baka ayaw mo doon , dito nalang din ako ''
Sabay binagsak ang katawan nito sa malambot na kama .
''Halika na !! ''
Sumenyas pa ito na humiga siya sa mga bisig nito .
Wala siyang magawa , kundi sundin nalang
Kinakabahan siya , pero antok na antok siya , pakiramdam niya ay sobrang napaka kumportable niya sa mga bisig nito , at safe na safe siya , na ok lang kahit mangangalay na ang katawan niya , sa ganung posisyon , ok lang Basta Masarap sa pakiramdam .
Hanggang sa nakatulog na sila nang mahimbing na magkayakap .
-------
TO BE CONTINUED