5

853 Words
Chapter Five "Wala namang malalang pinsala. Ayos na s'ya, Boss." Dahan-dahan akong nagmulat, hindi naman talaga ako nawalan nang malay. Hindi rin masakit ang katawan ko dahil sinadya ko naman ang nangyari. Konting gulong-gulo lang, tapos konting arte. "You're awake." Ani ng lalaking ngayon ay mabilis na lumapit sa akin. Gwapo, macho, at mukhang masarap. Tiyak akong iyon ang lalabas sa bibig ng mga kaibigan ko na mahilig sa mga lalaki. Sayang wala si Islah. Isa pa 'yon na parang may dalawang pekpek. "Hindi, tulog pa ako." Mahinhin ang tinig na ani ko. Napabungisngis ang lalaking kausap nito kanina. Habang ang gwapong lalaki ay nagsalubong ang kilay. Mukhang hindi mabenta rito ang mga joke. "Damn, that's so funny." Ani ng lalaking waring hinulma kay SpongeBob ang korte ng mukha. "May masakit ba sa 'yo?" seryosong ani ng lalaki. Pinakiramdaman ko ang lalaki. "Masakit ang binti ko." Ani ko rito. "May family ka ba na pwedeng tawagan?" Umiling ako saka sinabayan nang pagngiwi. Kunwari'y nasasaktan. Ngunit parang kagat lang naman ng langgam. Tamang angulo at momentum, viola, akala na ng mga ito ay nabungo nila ako. "Masakit ang binti ko." Kunwari'y napapahikbi pa. Tama talaga 'yong desisyon ni Islah noon na mag-enrol kami sa acting class. May naidudulot sa misyon ko ngayon. "Scotch, call the doctor." Utos ni pogi. Waring alanganin pa ang lalaki na kahulma ni SpongeBob. Nang lumabas ito ay naiwan ako kasama si Pogi. "N-auuhaw po ako." Mabilis na kumilos ang lalaki sa pagkuha ng tubig pero natigilan ito na waring na realize ang naging kilos nito. Mukhang hindi sanay kumilos at mautusan. Pero ipinagpatuloy pa rin naman nito ang pagkuha ng tubig. Saka iniabot sa akin. Inalalayan pa ako nitong makainom ng tubig. Saktong dumating ang doctor. "Tiyak ako na walang malalang pinsala sa results ng test sa kanya. Nasaktan at nalamog lang. Magiging okay rin naman sabi ng doctor. Mabuti na lang at babae ito. Kasi tiyak na iigkas ang paa ko once na hawakan nito ang legs ko nang katulad ng paghawak at pagsipat ng doctor. "Ganoon po ba, Doc. Mailalabas din ba s'ya today?" "Yes, of course. Ito ang reseta n'ya. Make sure na maiinom n'ya ito." "Miss, may family ka bang pwede naming tawagan?" parang tinanong na ng mga ito iyon kanina. Mukhang hindi naniwala ang mga ito. "Wala. Mag-isa ko lang sa bahay." Ani ko na bahagya pang napayuko na kunwari'y namroblema sa magiging sitwasyon ko ngayon. "Ilalabas na namin s'ya, doc." Ani ni pogi. Tumango naman ang doctor saka nagpaalam. Walang kwento, gano'n-ganon lang. Hindi man lang sumakay sa pag-arte ko. Dapat pala bago pa ako nagpabungo ay nilagyan ko na ng malalim na pasa ang binti at katawan ko, eh. Nang palabas na kami ng hospital ay naka-wheel chair ako. Tulak-tulak ni Scotch iyon habang nakasunod si pogi. "Boss, ikaw na ang maghatid sa kanya. Pinapapunta ako ng Lolo mo sa office n'ya." "What?" biglang salubong ang kilay na ani ng lalaki. "Pumili ka, Boss, ako ang pupunta sa office ng Lolo mo o ikaw?" "s**t, lumayas ka sa harap ko." Ang weird pa lang makakita ng kahulma ni SpongeBob tapos tatawa ng ganoon. Nilayasan na nga nito ang boss n'ya. Saka humarap si pogi sa akin. Inilabas nito ang wallet n'ya at inabutan ako ng paper bills. "Kaya mo naman na siguro. Enough na siguro ito?" unti-unting nagsalubong ang kilay ko. "Excuse me? Mukha ba akong nangangailangan ng pera? I don't need that. Ihatid mo na lang ako sa bahay ko." Parungit ko rito. Inirapan ko pa ito. "I'm busy, Miss." "Me too. Ikaw lang bang tao sa earth?" "Tsk, fine. Sakay na." Ani ng aroganteng lalaki. Masama ko s'yang tinignan. Mukha namang na gets nito ang ibig kong sabihin dahil binuksan na nito ang passenger seat saka ako binalikan at binuhat. Maingat naman nito akong pinaupo. Ito pa ang nag-ayos ng seatbelt ko. Tumatama ang hininga nito sa leeg ko. Nagdudulot nang kakaibang pakiramdam iyon. Nang maiayos na n'ya ay iginilid lang nito sa tabi ang wheel chair saka umikot patungo sa driver seat. Pinapanood ko lang ito. Alam naman nito ang bahay ko dahil sa tapat mismo ako noon nabanga, kaha naman hindi na ito nagtanong. Nakatulog pa ako sa byahe, chos lang, sadyang nagtulog-tulugan ako. Pagdating doon ay dama kong nag-alinlangan itong gisingin ako. Bumaba ito nang sasakyan. "Manang, may kasama ba ang babaeng ito sa bahay na 'yan?" "Ay, wala. Mag-isa lang s'ya d'yan." Ani ng matanda. Walang kwentang kapitbahay ang tulad nito. Kung normal na sitwasyon ito, baka napahamak na 'yong tao dahil sa ganitong uri ng kapitbahay. Nagpanggap pa rin akong tulog. Bumukas ang pinto ng passenger seat. Naramdaman ko na tinapik-tapik ako nito. Ngunit todo acting pa rin ako. Mukhang naubusan na ng choices ang lalaki. Tinanggal nito ang seatbelt ko saka maingat na binuhat palabas ng sasakyan. Naririnig ko pang tinatanong ng mga kapitbahay kung kumusta raw ba ako. Tipid na 'ayos na s'ya' ang sagot ng lalaki. Sinadya ko pang ikinawit ang mga braso ko sa leeg nito at isiniksik ang mukha sa leeg nito. Tsansing lang naman, eh. Ang bango ni pogi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD