15

899 Words
Chapter Fifteen "Kausapin mo naman ako." Masama ang tingin ang ibinato ko sa binata. Ang lakas maka-high blood ng taong ito. Isinama pa n'ya ako sa tindahan at pinagbayad ng merienda. "'Wag ka munang magpapakita sa akin. Pinag-iinit mo ang ulo ko." Ani ko rito saka dali-daling sumakay sa tricycle at inutusan ang driver na umalis na. Naiwan ang binatang kakamot-kamot. Medyo nakapag-adjust naman na ako sa environment ko kaya naman oras na ng trabaho. Kailangan ko lang talaga totally makuha ang atensyon ni Nicholas. Pag-uwi ko sa bahay ay inabutan ko si Nicholas na nakasandal sa sasakyan n'ya. Naninigarilyo. Kaya naman lumapit ako at inagaw ko iyon at hinithit. Sunod-sunod na inihit ng ubo. "Damn you!" mahinang ani nito na mabilis binawi ang sigarilyo saka inapakan iyon. "Hikain ako, ayaw ko ng mga taong naninigarilyo." "Then bakit mo ginawa 'yon?" frustrated na tanong nito. Mukhang mainit ang ulo ng lalaki. "Gusto kong makita mo agad ang effect." Mahinhin pang pagkakasabi ko. Napapikit ako nang marahan nitong pitikin ang noo ko. "Tara sa loob?" tumango naman ito saka ako humakbang patungo sa gate at gamit ang susi ay binuksan iyon. Tahimik lang ito habang papasok kami ng bahay. Sa kusina ako dumeretso para kumuha ng tubig. "Are you okay?" tanong ko rito. Nilagyan ulit ng tubig ang basong pinag-inuman at iniabot sa binata. Tinanggap naman nito iyon at ininom. Sa parte kung saan lumapat din ang labi ko. Inubos nito ang tubig saka naupo sa high stool chair. "Pwede mo akong sabihan ng kung ano man ang bumabagabag sa 'yo. Willing akong makinig." "My mother is sick. Palala nang palala." Apektadong-apektado ang itsura nito. Hinuli ko ang kanyang kamay saka bahagyang pinisil iyon. "Anong sakit n'ya? May mga kilala akong doctor…" "Sick in the head…" natigilan ako. Saka nakauunawang tumango. Tiyak na nasiraan ng bait ang nanay nito dahil na rin sa pamilyang mayroon ang mga ito. "Dahil ba sa nangyayari sa bayang ito?" "Dahil mismo sa pamilya ko." Ani nito na yumuko, ang noo ay ipinatong sa table. Bumuntonghininga ako. Wala naman akong pakialam, nandito lang ako para balikan 'yong pamilyang tinutukoy nito. Pero dahil kailangan ko ang lalaking ito ay kailangan kong maging concern. Niyakap ko ito habang nakayuko ito. "Magiging okay rin ang lahat." Ani ko rito. Naramdaman ko ang tensyon sa katawan nito pero nanatili ako sa ganoong pwesto. Sinasadyang idikit ang dibdib sa braso nito sa paraang hindi nagmumukhang hindi sinasadya. Nang mahimasmasan ito ay nagpaalam itong aalis na. Mukhang naghanap lang nang makakausap. Mas madaling pasukin ang mundo ng mga ganitong klase ng tao. Pakitaan mo lang na concern ka ay madali mo na lang magagambala ang emosyon. Naiwan akong mag-isa. Saktong tumawag si Tori. "May gustong ipagawa si Lady A sa 'yo. D'yan sa bayan ng Santa Estrella nagtago ang isa sa target ng grupo ngayon. Pwede mo bang saglitin?" tanong nito sa akin. "Yeah. Wala pa naman akong ginagawa." "Ipapadala ko na lang ang detalye. KASONG RAPE AND MURDER. Iyon ang tinakasan ng lalaki. Walang nakuhang evidence ang family ng victim lalo't may connection ang kalaban. May order din si Lady A na ako na ang bahala kung ano ang gagawin ko. Kaya naman gamit ang sasakyan na nakatago sa garage ng tinitirhan ko ay umalis ako ng bahay. Si Tori lang ang katulong ko sa misyon na ito. Mino-monitor nito ngayon ang pinagtataguan ng lalaki. Kukunin ko lang s'ya, isasakay sa kotse saka iuuwi sa bahay. Mayroong underground ang bahay kung saan inayos upang ilaan sa akin. Kahit magsisigaw ang lalaki ay wala ring mangyayari. Wala itong ibang kapitbahay. Ayon kay Tori mag-isa lang din ito. Nag-doorbell muna ako. "Palabas na s'ya." Ani ni Tori sa akin. Tatanga-tanga rin ang isang ito. Nagtatago nga pero isang doorbell ko pa lang ay lalabas na. Hindi katangkaran ang lalaking nagbukas ng gate. Malaki ang t'yan, panot at halata sa hilatya ng mukha na walang gagawing matino. "Naligaw ka, ganda?" sa paghagod pa lang ng tingin ay waring hinuhubaran na ako nito. Ngunit advantage ko rin iyon. Mas madali ko s'yang malilinlang kung ganoon ang takbo ng utak nito. "Naliligaw po kasi ako. Pwede n'yo po bang ituro ang daan sa akin?" tanong ko rito. Mahinhin ang tinig ko na nakikiusap pa. Nagningning sa pagnanasa ang mata nito nang bahagya akong lumiyad. Kita ang cleavage ko kaya naman doon na sentro ang tingin nito. "Pwede naman..." "Really? Thank you po." Sweet pang pagkakasabi ko. Kahit nga nang sabihin kong sumakay na s'ya sa passenger seat ay tumango agad ito. Pagsakay pa lang nito mabilis na rin akong lumulan sa driver seat. Automatic na humawak ang kamay nito sa hita ko. Manyak nga talaga, ngunit ngumiti lang ako rito at hinayaan ito sa kanyang kapangahasan. Pasimpleng hinugot ko ang karayom na nakahanda na kanina pa. Saka pasimpleng itinusok iyon sa braso nito. Mabilis na kilos ngunit hindi man lang nito napansin dahil pumipigil ito sa aking hita. Hinawi pa nga nito ang palda ko ngunit hindi ako tumutol. Pero nang makita kong nagsimula nang umepekto ang gamot tinabig ko na ang kamay nito. Saka ko pinausad ang sasakyan. Hindi ito makagalaw ko o makapagsalita. Pero gising na gising ang ulirat nito. "Salamat talaga kay Lady A, binigyan n'ya ako ng laruan ngayon." Ani ko na bahagya pang napangiti. Eyeballs lang ata ang kayang igalaw ng lalaki. Exciting ang gabing ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD