Nakapagtapos na sa high school sina Matt at Furi. Bitbit ang malawak na pag-ngiti sa kanilang labi habang nakasuot silang togang puti at diplomang hawak sa kanilang kamay. Si Matt naman ay pinarangalang valedictorian ng kanilang school. Nagbigay rin siya ng kaunting speech para sa isang karangalang kaniyang natagumpayan at syempre parte si Furi sa mga naging inspirasyon niya upang kayanin ang bawat pagsubok na iyon. Napaluha na lamang sa saya ang nobya at pumapalakpak sa kaniyang kamay. Pagkababa ng stage ay kaagad siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Gumuhit din naman ang matamis na pag-ngiti sa labi ng binata at syaka niya marahang hinalikan sa labi ang nobya nito. Nagsihiyawan at nagsipalakpakan naman ang mga kamag-aral nilang nakasaksi sa pag-iibigan ng dalawa. Maging si Je

