NASHER'S POV ( I met a strage girl in my school. ) "Psst! kuya, puwede ba akong humingi ng pabor sa'yo? ang totoo kasi n'yan. Nakalimutan kong dalhin yung wallet ko kanina. Hindi pa kasi ako nakakapagbayad dito sa jeep, puwede bang manghiram muna ako sa'yo ng bente? tutal parehas naman tayo ng school na pupuntahan, babayaran na lang din kita kapag nakuha ko na yung wallet ko. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatakbuhan." Ang sabi nung babaeng nakatabi ko sa jeep. Nakasandal lang ang ulo ko sa may bintana, habang nakapikit ang mga mata at may nakasalpak na earphone sa aking tenga, ngunit wala namang tumutunog na musika. Gawain ko talaga iyon sa tuwing sumasakay ako ng jeep. Ayaw ko kasi sa lahat ay yung inaabutan ako ng bayad at sukli ng mga pasaherong sumunod sa akin. Madalas din akong

