(SA RESTAURANT) Habang isa-isang inilalapag ng mga service crews ang mga inorder nila sa lamesa ay hindi naman maalis ang tingin ni Nasher sa dalagang katabi niya na si Furi. Ang sarap talaga niyang pagmasdan. Hindi siya nakakasawang titigan. Bulong nito sa kaniyang isipan. Saglit namang napalingon ang dalaga sa kaniya at nagtama ang mga tinginan nila sa isa't-isa. Nagulat naman si Nasher at mabilis siyang iniwasan ng tingin. "Hi, salamat! makakain na rin tayo." Ani ni Kiko at syaka nilantakan ang pastang nasa harapan niya. Nagsimula na rin kumain sina Furi, habang ninanamnam ang pagkaing inorder nila. "Wow! ang sarap nitong carbonara nila!" namamanghang saad ni Miranda sabay napangisi na lang ang mga kasama niya at muling nagpatuloy sa pagkain. Ilang saglit pa ay natapos na rin sil

