(Kimberly Pov) "Hoy, Kim. Nasaan yung ambisyosa mong kaibigan na si Furi? mukhang madalang ko na lang siyang nakikita ngayon ha?" ang sabi ni Luna sa akin ang bully sa loob ng classroom namin at madalas niyang pag-initan si Furi kahit wala naman talagang matinong dahilan o basta't maisipan lang niyang mapagtripan ito. "Puwede bang tigilan mo na si Furi? wala naman siyang ginagawang masama sa'yo ha?" pagkasabi ko ay napangisi naman siya at malakas akong itinulak sa balikat. Matapang at malakas lang ang loob niya dahil nag-iisa lang ako at may mga kasama siya. "At bakit ko naman siya titigilan? bakit, Kim? matapang ka na ba ngayon dahil nakahanap ka ng kakampi mo? nakalimutan mo na ba kung ano ka dati, bago mo pa man siya makilala?" pabulong niyang turan sa akin habang pinaglalaruan ang

