"Anong ginagawa niyong dalawa rito? lumayas kayo! umalis sabi kayo!" ang paulit-ulit na sambit ng ama ni Furi sa kanilang dalawa ni Matt, habang tinataboy silang pareho sa tapat ng bahay nito. "Pa! makinig na muna kayo sa amin!" ang pakiusap ng dalaga sa kaniyang ama. Ngunit nagmamatigas pa rin ito at hinahagis sa labas ang mga gamit niya. "Mahal! ano ba ang ginagawa mo sa anak mo? hayaan mong makapagpaliwanag na muna sila sa atin!" ani naman ng asawa nito habang pinipigilan siya sa braso. "Anong anak? magmula nung sumama siya sa lalaking iyon, wala na akong kinikilalanga anak!" saad nito at patuloy pa rin sa pagmamakaawa si Furi. Hanggang sa natigilan na lang sila nang lumapit si Matt sa mga magulang nito at siyaka lumuhod. "Matt, anong ginagawa mo?" usisa ng dalagita sa kaniyang noby

