Pagkapasok ni Matt sa loob ng classroom nila ay nagkatinginan naman silang dalawa ni Trixie, habang nakaupo ito sa kaniyang upuan. Ilang saglit lang ay bigla itong tumayo at nilapitan siya. "Let's talk." Ang sabi ng dalaga sa kaniya at syaka ito lumabas ng classroom nila. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Matt at nagtungo silang dalawa sa lugar kung saan, walang makakakita at makakarinig sa kanilang dalawa. "Ano yung nakita ko kanina?" tanong ni Trixie sabay lumingon siya kay Matt. "What are you talking about?" ani ng binata sa kaniya. "Yung tungkol sa inyo ni Jeff at nung taga last section. Sabihin mo nga, iyon ba ang tinutukoy mo sa akin na pupuntahan mo?" usisa nito, pero hindi siya sinagot kaagad ng binata at napatingin lang ito sa paligid nila. "Ano ba ang gustong marinig mula s

