Two

1702 Words
Malungkot kong binitbit ang gamit ko palabas ng airport sa US. Hindi ko kasi mapigilan na maisip ang reaksyon ni Daddy dahil tumakas ako ng bahay at tumungo dito sa Amerika. Alam ko na pagbalik ko ay tuturuan ako ng leksiyon nun. Sigurado ako na mamadaliin niya ang pagpapakasal ko kay Joshua, para mawala na ang responsibilidad niya sa akin. "From a womanizer, my Dad will entrust me to another womanizer. Great!" Sarkastiko kong sambit. "Kaya magpapakasasa ka sa buhay mo Tanya," sabi ko sa sarili ko. "Dahil after this wedding at pagbalik mo sa Pilipinas, tiyak na magbabago na ang buhay mo. Magiging miserable ka na." I don't know why I have to threaten myself even more. Baliw lang ang peg ko. Siguro kinakausap ko ang sarili ko dahil gusto kong mag-reak ako at gumawa ng paraan sa sitwasyon ko. Pero paano? Alangan naman lumayas ako sa amin? I mean, rebelde ako, pero slight rebelde lang. Hindi ko kayang saktan ang mga magulang ko at suwayin sila ng bonggang bonga. Alam kong susundin ko din naman sila bandang huli. Force of habit maybe na maging masunurin? Ewan! Basta, a part of me wants to run away from all of this. Another part of me is saying stay and obey whatever your parents say. Napabuntong hininga ako at naisip na sumakay na lamang ng taxi kesa naman nakatunganga lang ako dito at nakatitig sa kawalan. Saktong may dumating na taxi malapit sa akin. Naglakad na ako papunta sa taxi pero napalingon ako sa dumarating na lalaki na napansin ko sa aking peripheral vision. It was odd though because even if he was still a few meters apart from me, I felt this weird ticklish feeling inside, like I could sense him. Agad akong napatingin sa mukha ng lalaki na naka-shades. Hugis ng mukha, tangos ng ilong, kutis, at labi pa lang ay alam ko ng guwapo ang paparating na lalaki na may kausap sa mobile phone. "Are you already with Papai?" He grunted as he walked towards me. Paglapit niya ay napatingala ako. Ang tangkad pala niya at yung chest niya na natatakpan ng simpleng puting t-shirt ay mabalahibo at muscular. Yung biceps niya malalaki! At saka ang bango niya! Humigeeeeeed! Kinilig ako habang naningas ang mga paa sa kinatatayuan ko. "No! You go back to the hotel and accompany,Papai!" Utos niya sa kausap. Hotel? May kasama ba siyang babae sa hotel? Huhu!   "No! I'm riding the cab going to Ritz now, andI want to see your ass there or you're gonna get your ass kicked, Malik!" Malik? Lalake?  Bigla akong nagka-pag-asa! Sigurokapatid niya yung pinapagalitan niya. Ehihihi! Baka bunsong kapatid niya iyon.  Hindi ko maipilig ang ulo ko sa kanya dahilbaka mapansin niyang nakatingin ako kaya eyeballs ko na lang ang pilit kongpinapalingon sa kanya.  Henubeyen,Tanya? Kikiligin lang, ang awkward pa ng fezlak mo? Parang sinapian! Palibhasafirst time. Palapit na siya sa akin, kaya napahawak akosa handle ng pintuan ng taxi sa tensyon. Pero nagulat ako nang hinawakan niya angkamay ko...  Ay! Hindi pala! Yung pintuanlang pala balak niyang buksan. For me? How gentle man naman!  Ahihihi!  Inalis ko na lang ang kamay ko sa pintuan ng taxi at hinayaan na lang siyang buksan ito para sa akin.  Pero nalito ako nang bigla siyang pumasok sa loob ng taxi at naupo. "Ano 'to? Sasama ba sa'kin to?" naitanong kosa sarili ko. Pero sinara niya ang pinto ng taxi, at naiwan ako sa labas nanakanganga at gulat sa pangyayari.  "To Ritz- Carlton hotel," I could hear whathe was instructing the driver.  "What?" nag-init na ang mga mata ko.  He tricked me! At ako naman itong engot na naguwapuhan lang sa kaniya eh nagpaloko naman! Grrr! Wala na ba talagang gentle man ngayon? Inagawan niya ako ng taxi, at hindi komapapalagas yon!I pounded on the window which surprised him. "This is my cab!" Habang nasa mobile phone siya ay sumenyas siya sa akinsa bintana na parang wala na siyang magagawa, at tinuro niya ang kanyang suotna relo na parang sinasabing nagmamadali kasi siya.  "Jerk! If I ever see you again, I swear I'm going to kick your balls!" Galit na galit kong sigaw sa papaalis na taxi, nang mapansin kong nagtitinginan na ang mga tao sa akin. Mabuti na lang at may dumating na bagong taxi. Agad akong sumakay sa sobrang kahihiyan.  Tumungo ako sa bahay ng kapatid ko at binisita ko sina kuya Shawn, ate Ameera, and my nephew and nieces. I felt happy to see them lalo na that it has been a long time since I hugged my brother and best friend. He comforted me about the news of Dad's womanizing, gambling, and the arranged marriage that Dad set me up in. After a few days spent with my brother and his family ay pumunta naman ako sa Malibu kung saan magaganap ang wedding ng aking pinsan na si Gerard Ponce, and one of my best friends na si Shayla Pontes. As I arrived with my luggages and entered the house ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko. "Tanya!" Excited na salubong sa'ken nina Rainbow, Jackie, Pinkie, at Rori. They were in the patio at nagbo-boy hunting. "Nasaan na sina Ardy and Shay?" taka kong tanong. "Oh, they're just somewhere over there at the beach." Si Rori iyon, isa sa mga best friends ko since High School. She gestured the direction where she last saw her boyfriend, Percival, surfing with Gerard. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan raw sina Percival at Gerard at naaninag sina Gerard at Percival na nakikipagbunuan sa buhangin, habang parang natatarantang sinusubukan ni Shayla na pumigil, pero may dalawang lalaking nakahawak kay Shayla. "G-girls, I think they're in trouble." Nasambit ko na nagpapanic. "Oh, those boys will be in trouble alright kapag nagpalit na tayo in our 2 piece that I custom made for us!" Excited pang sabi ni Rori habang abala ang mga ito mag-sight seeing ng mga naka-swimming trunks at maskuladong mala modelong lalaki sa ibang direksyon. "G-girls! I think we need to help Ardy, Percival, and Shayla!" Napalakas na ang boses ko at tumakbo na papunta kina Shayla. Sumunod naman ang mga kaibigan ko sa'ken at napatigil kami sa harapan nina Shayla. Pinigilan nito ang pagbalibag ng pinsan kong si Gerard sa isa sa magkakamukhang lalaki. Nagpaliwanag si Shayla na mga pinsan pala niya iyon, at ipinakilala pa sa amin. "Oh my! They're gorgeous!" Kinikilig na bulong sa akin ni Rori. Pinanlakihan ko ng mata si Rori. "Tumigil ka nga! Marinig ka ni Percival!" Sita ko sa kanya. "Hihihi! I'm just happy magkaka-love life na kayo!" Kindat pa nito sa akin, at pinamulahan naman ako ng mukha. "Ewan ko sa'yo! Baliw ka talaga!" Mahina kong sabi kay Rori na parang baliw sa kilig. Nilapitan tuloy ito ng boyfriend nitong si Percival. "Yan, kase..." natatawa kong hirit sa kaibigan ko. Ako naman ay napangiti na lamang at hindi sinasadyang mapalingon sa isa sa mga pinsan ni Shayla. Napansin kong isa sa mga magkakamukhang mala-demigod sa kaguwapuhan ay nakatingin sa akin, at ngumiti. Kinabahan tuloy ako. Pero napawi din iyon kaagad dahil sa curiosity ko. His face was familiar, but I couldn't quite remember when and where. Naiisip ko na baka nakita ko siya sa isang billboard dahil puwede siyang pumasa na model. Ang amo ng mukha niya, at makisig ang katawan. He could really pass for a model. Or maybe he was a model! Those reddish lips... nice set of teeth... and that smile... looks familiar... I thought.  And it was weird how I sensed a ticklish feeling inside me again that sent me goosebumps.  Napatingin ako sa braso ko nang mapansin kong nagkaroon ng anino sa harapan ko. Nakalapit na pala sa akin ang pinsan ni Shayla. He wore his shades, and everything seemed to move slow, or was it just the reception of my brain that wheeled in slow motion? He looked familiar. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na siya yung nang-agaw ng taxi ko several days back. I felt my heart beat fast and my mouth dry. "Hello Tanya. I'm Matteo." Akalain mo ba naman dito rin pala ang punta ng mokong na ito? Naisip ko habang nararamdaman ko ang pagngingitngit sa nag-iinit kong mga mata. "You..." nasambit ko. "You were the guy who took my cab! How dare you show your face here!" Galit kong sabi. "Of course, I'd be here. It's my baby sister's wedding." He smirked as he referenced to his cousin Shayla na half-Filipino, half Brazilian. "Ang kapal ng mukha mong magpakita dito!" Tirada ko sa hindi naman natinag na lalaki. "Uh, excuse me. English, please?" nakangiting sagot ni Matteo sa'ken. "English please?" naningkit ang mga mata ko, at humalukipkip. "Buwiset!" I shouted at him. "If I can just cuss, I would tell you all the cusses I know in all languages!" I said in rage. I was about to storm towards him as I tried to push him, but to no avail. It seemed like I was pushing a wall. Naloka ako sa tigas ng dibdib niya! Lalo tuloy akong nainis dahil deep inside me, kahit naiinis ako sa kanya ay naapektuhan ako sa una kong naramdaman sa kanya. Kasi naman he was a well-built sexually attractive man! Sexually kaagad? I blushed at my own thoughts. "Tara na Tanya," pigil ni Pinkie at Jackie sa'ken. With my fist tightly closed, I inhaled and exhaled to control my anger. "Easy," he laughed at me. Nangaasar siya. Alam ko yon. Pagtawa pa lang niya ay bumalik na kaagad ang buwisit ko sa kanya. "May araw ka rin sa'ken!" Banta ko sa demi-god na pinipigilan kong tampal tamapalin, saka lumakad papalayo. I take back what I said! Hindi siya demi-god! He's a devil na nagbabalat kayong beautiful demi-god! Teka... demi-god pa rin? Wait. Hindi demi-god! Semi demi-god na lang! Kaasar! Ano bang nangyayari sa'ken? I should be so angry with him for being the most bastos na lalaking nakilala ko. At Brazilian pa siya at that! I used to like Brazilians and ogled at them because they are oozing with s*x appeal and rippling muscles that I would drool at them... tulo laway... pero ngayon, NO! NO! NO! I don't like Brazilians anymore because of him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD