CHAPTER SEVEN PIERRE "Ma, pwede ko bang gamitin ulit ang kotse ni Papa?" tanong ko kay Mama habang kumakain kami ng almusal. Napansin ko agad ang makahulugang ngiti niya. Ito na naman ang nanay ko! Alam ko na agad nasa isip n'yan. Si Prianne na naman at ang pagiging daughter-in-law niya para kay Mama. "Sabay na ulit kayong uuwi ng manugang ko?" nakangising tanong niya sa akin. "Ma!" Simula nang makita ni Mama si Prianne no'ng second year high school kami, boto na agad siya rito. Lalo pa no'ng nalaman niyang may gusto siya sa akin... noon. Noon. Dahil magkaibigan na ulit kami ngayon. Magkaibigan na lang kami at sa palagay ko ay mas ayos ‘yon. Mas magtatagal kami sa gano’n. Tumawa naman si Mama at hinimas niya pa ang tiyan niya. Only child ako dati, parang sina Kaylee at Prianne, per

