CHAPTER TEN PRIANNE "Pri, kindly check this one if this is okay already." "Pri, patulong naman." Prianne here, Prianne there. Halos kalahating araw ko nang naririnig ang pangalan ko na maya't maya ay tinatawag. Ni hindi ko na alam kung sino at ano ang uunahin ko. Ako kasi ang punong abala ngayon para sa annual school fair dahil ako ang president ng student body organization sa buong high school department. Nakakapagod pero masaya naman. Nakakatuwa lang din dahil binigyan pa kami ng isang vacant room na magsisilbing headquarters namin for the whole week para mas maging maayos ang mga preparations na last month pa namin na-plano at ang pag-mo-monitor sa mga naka-lined up na events para sa nalalapit na founding day kasabay ng school fair. Parte naman ng committees sina Kaylee at Gian da

