Prologue

1577 Words
PRINCESS "Diba nag-YES ka na kanina? Ba't umaayaw ka na naman ngayon?" bigla namang napaangat yung mukha ko sa desk ko. Huh? Nandito pa sya? Akala ko naman nakauwi na sya kaya tinext ko sa kanya na ayoko na pala dun sa 'Love Guru-Love Guru' na yon. Nagbago na ulit yung isip ko. Unang-una, wala na kasi akong alam sa mga love-love na ganyan, papano ako magbigigay ng advice kung ako mismo eh hindi pa naman nararanasan yung mga yon diba? Baka magpamali-mali lang ako don no! At pangalawa, ayokong maging boses lalaki. Sa ganda kong 'to, gagawin nila kong lalaki? No way! "Basta ayoko." "Pa'no yan alam na ni daddy? Papano ko pa mababawi sa kanya yon?" "Eh di sabihin mo, hindi ko kaya yon. Na baka mapahiya pa tong radio station nyo kapag ako yung ginawa nyong DJ don" walang ganang sabi ko. "Best alam mo namang eto na yung pag-asa ko diba para maging proud sakin si daddy?" malungkot na sabi nya. Aw, wag mo kong gamitan ng ganyang tono at ganyang mukha Joel dahil baka mamaya nyan, mapa-YES na naman ako ng wala sa oras. Eh kung tinatanong mo na lang ba kase kung gusto kitang maging boyfriend eh di hindi ka magdadalawang salita, makukuha mo agad yung matamis kong OO. "Yun na nga best eh. Kaya nga ayoko kase baka eto pa yung maging dahilan para mapahiya ka din sa daddy mo. Ayoko naman ng ganon diba?" "Pero sabi nya sakin, ikaw nga daw yung best choice don. Malaki yung tiwala sa'yo ni daddy. Malaki yung tiwala ko sa'yo" seryosong sabi pa nya habang nakatingin ng derecho sakin. Hala! Makakahindi pa ba ko dito? Ang bilis na ng t***k ng puso ko. Baka mamaya dyan atakihin na ko sa puso dito. "Please best" sabi pa nya sabay lapit sakin habang hawak-hawak yung mga kamay ko. Hoo! Kailangan ko ng hangin. Hindi ako makahinga. Ang lamig-lamig dito sa office pero feeling ko, tumatagaktak yung pawis ko sa kaba. Papano kung bigla akong halikan nitong si Joel dito? Or baka samantalahin nya yung kahinaan ko? Anong gagawin ko? Oy Princess wag ka nang umarte dyan, alam naman nating lahat na bibigay ka dyan agad sa ONE TRUE LOVE mo. Wag ka nang magpakipot kase minsan lang yang ganyang pagkakataon. Wag mo nang sayangin. Halos sumabog lahat ng laman ng sikmura, intestines, at kahit yung buong digestive system ko nang maramdaman ko yung mga labi nya sa mga labi ko. Oh gosh, ganito pala yung feeling ng first kiss, ganitong-ganito yung inimagine ko non na mararamdaman ko e. After nito, pwede na kong mamatay. Kung eto yung paraan ni Joel para mapa-OO ulit ako, pwes, nagtagumpay sya don. "I love you Princess Phoebe. Ikaw, mahal mo ba ko?" nakangiting tanong nya matapos nya kong halikan. "YES Joel, mahal kita noon pa." mahinang sabi ko sa kanya. Napapikit na lang ulit ako nang maramdaman na papalapit na naman sya sakin. "Best?" narinig kong tawag nya. "Yes best?" malambing na sagot ko naman. "Huy Princess!" sabay yugyog nya sakin. Ano daw? Yugyog? Bigla naman akong nagmulat. Nakatawang mukha ni Joel yung nakita ko habang nakaupo sa harap ng table ko. Napangiti naman ako lalo nang maalala yung ginawa nya at sinabi nya kanina. "Best sino yung mahal mo ha?! Pagpasok namin dito ni Maine may binubulong kang mahal kita noon pa habang natutulog ka dyan!" natatawa pa ring sabi nya. Ha? Tulog? Bulong? Ibig sabihin hindi totoo yung nangyari kanina? No! Hindi panaginip yon. Naramdaman ko yung lips nya eh. Ano yon? "Tulog?" "Oo, actually nauna si Maine dito kanina kasi nga may aayusin daw dun sa script and dun sa name mo sa program mo. Tapos nung pumasok ako, narinig ko na may binubulong ka. Nung pinakinggan naming mabuti, sabi mo, mahal kita noon pa" nakangiting paliwanag nya. Shet! Buti na lang yun lang yung narinig nya. Buti na lang hindi nya narinig yung pangalan nya dahil kahihiyan ko yung nakasalalay don. Naiiling na tumingin na lang ako dun sa kasama nya. Dun sa pangit namin na writer, si Jarmaine. Seryoso lang syang nakatitig sakin. Yes guys, TITIG yung ginagawa nya, hashtagmedyocreepy. Iniwas ko na lang ulit yung tingin ko dito at hinarap ulit si Joel. "Anong script yung sinasabi mo eh diba nagsend ako sa'yo ng text message na ayoko na diba?" inis na sabi ko sa kanya. "At hindi mo rin ba nabasa yung reply ko na hindi pwede dahil inapprove na ni daddy?" "What? So wala akong karapatang tumanggi?" Tumango-tango naman si Joel. "No hindi pwede to! Wala naman akong pinirmahan na hindi ako pwedeng magback-out diba? And in the first place, hindi naman para sakin talaga yang 'Love Guru' na yan. Para kay Andy yan diba?!" medyo napalakas yung boses ko. Medyo nagulat si Joel pero nilapitan lang nya 'ko at hinawakan yung mga kamay ko. Uh, kung panaginip na naman to, pwede ba, sabihin nyo na lang sakin habang maaga? Nakakahiya lang kase! "Please best. Kung love mo talaga ko, papayag ka" nakangiting sabi nya sakin. Ayan na naman, ginamit na naman nya yung salitang 'LOVE'. Alam mo yun, para bang alam na alam nya kung ano yung weakness ko. Minsan nga feeling ko, alam nyang may gusto ko sa kanya pero ayaw nya lang ipahalata kase ayaw nyang mailang ako sa kanya. I sighed before magsalita ulit. "On one condition." Seryosong sabi ko. Bigla namang kumislap yung mga mata nya. "Kahit ano bestfriend, sabihin mo lang!" Wag mo na kong tawaging bestfriend at gawin mo na kong girlfriend mo. Charot! Syempre hindi ko naman kayang sabihin yon. As if naman diba? Hahaha! "Ayokong maging lalaki" Ngumiti naman sya sakin at umakbay sa pangit na si Jarmaine. Oo para sakin ang pangit nya. Ang flirt nya kase, halos lahat na yata dito sa radio station eh naka-date na ng babaeng to. Para syang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain. Charot! Ewan ko ba pero ang init-init ng dugo ko sa babaeng yan! Feeling ko kase inaakit din nya si Joel ko. Bits! Bigla namang napataas yung kilay ko kaya dahan-dahang tinanggal ng bruha yung pagkakaakbay ni Joel sa kanya. Hah! Mabuti naman at nakukuha pala sa taas ng kilay tong babaeng to. "Figured that out Best. Kaya nga isinama ko na si Maine dito eh, para sya na yung bahala sa script and sa screen name mo" "Screen name?" kunot-noong tanong ko. "Tulad nila DJ Cha-cha, Papa Jack, etc" sagot ni Joel. "Ah. Yun pala yon. O eh ano bang naisip nyo?" tanong ko sa kanilang dalawa. "DJ Princess" sagot ni Maine. "What? Princess? Gumamit ka pa ng screen name kung totoong pangalan ko din naman pala yung gagamitin mo!" pagtataray ko sa kanya. Nakita kong medyo tumaas yung kilay pero kinalma nya lang yung sarili nya dahil alam nyang ako yung kakampihan ng bestfriend ko, na BOSS nya. Namin pala. "So anong gusto mo?" walang ganang tanong nya. "Lem'me think about it" sabi ko sabay kunwaring nag-isip. Tumingin lang sila sakin na parang hinihintay na magsalita ulit ako. "Best? May naisip ka na ba?" tanong ni Joel after 15 mins. Tumingin lang ako sa kanya at sa 'writer' nya. "Mukha ba kong mag-iisip, Joel? Excuse me lang no! DJ lang ako dito. Bakit hindi yang kasama mo yung pag-isipin mo? Ano pa't naging writer sya kung hindi naman pala sya mag-iisip" nang-iinis na sabi ko. Napangiti ako nang makita kong nainis sya pero agad ding nakabawi. Ngumiti lang din sya sakin. "Actually Ma'am Princess, may naisip na po ako. Bagay na bagay po sa inyo." "And what is that?" "DJ Beachy. The girl with a beachy attitude!" nang-iinis na sabi nya. Talagang hinabaan nya yung pagpronounce ng beachhhhhhh, tse! "Anong sabi mo?" Hindi maganda yang tabas ng dila mo ha! nakataas na yung isang kilay na tanong ko. "Suggestion lang naman po ma'am. Diba po sabi nyo, gustung-gusto nyo po na nasa beach kayo kase tahimik lang po don at alon lang po yung naririnig nyo. Yun po kasi yung ibig kong sabihin don." "Really?" "Yes ma'am. Ngayon po, kung may iba kayong nasa isip, baka kayo po yung hindi maganda yung tabas ng isip" nakangiti pa rin nyang sabi nya. Tatayo sana ako para magtaray pero biglang pumagitna samin si my labs! Napaupo na lang ulit ako. "O, nagkakainitan na naman kayong dalawa. Ang mabuti pa, bukas na lang natin pag-usapan to, yung sa script, yung screen name and tagline." Nailing na sabi nya. "And Maine, homework mo yung screen name ni Princess ha!" "No need. May naisip na ko. Ako na lang. Kesa kung ano pa yung maisip ng babaeng yan!" sabi ko habang masama yung tingin kay Jarmaine. Nagkibit-balikat lang ito at nauna nang lumabas ng pinto. Kamot-ulo naman syang sinundan ni Joel matapos magpaalam sakin. Nakakainis! Nakakainis talaga! Ang dami nyang alam. Ako pa daw yung BEACCCHHYYY, eh sya nga yung ganon kumilos at magsalita! Bwiset! At ang isa pang nakakainis, yung nangyari kanina na panaginip lang pala. Inis na hinawakan yung yung mga labi ko. Hay, parang totoo kasi talaga kanina yung halik nya sakin e. Naramdaman ko kaya yon. Inis na kinagat ko na lang yung labi ko. Ugh! Napailing na lang ako nang may malasahan na strawberry. Huh? May kinain ba ko na strawberry yung flavor kanina? Nagkibit-balikat na lang ako. Kesa yun yung isipin ko, mas iisipin ko na lang kung papano ko maaayos yung trabahong pinapagawa ng 'BESTFRIEND' ko. Ugh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD