"So, you are Valentina Elowen Laurent?" Nagulat ako sa sinabi ng isang lalaki na naka-akbay sa lalaking kumakaway sa amin kanina. He look familiar.
It's Cassian Zyon Maximilian. The one who stared at me one week ago and the one who make me not pay attention more on my studies.
"Bestie, upo ka. Kanina pa tayo nakatayo rito, para tayong baliw." Doon lang ako nakabalik ng marinig ang bulong sa akin ni Emelyn. Tumingin ako sa paligid at andaming nakatingin sa aming tao. Napa ngiti na lang ako at umupo na. Kaharap ko ngayon si Cassian Zyon Maximilian at ang kaharap naman ni Emelyn ay yung lalaking kumaway.
"So, nice to finally meet you, Valentina Elowen Laurent. I am Aeros Ashvin Alastor, Emelyn Rose Heartlyn's boyfriend. And this is Cassian Zyon Maximilian, my friend." Inilahad niya ang kamay sa akin na tinanggap ko naman. Nakangiti siya kaya ngumiti na lang din ako ng kaunti. Ang awkward.
"Si Cassian, 'te? Hindi mo ba siya papansinin? Kanina pa kayo nagkakatinginan ng baby ko ah, nagseselos na ako." Natutuwang sabi ni Emelyn kaya kinurot ko ang hita niya para manahimik. Ano ba naman 'tong pinasok ko, bwiset.
"I am Cassian Zyon Maximilian. The one who stared at you weeks ago. Nice to meet you, Valentina Elowen Laurent....... again." Kahit mahina lang ang pagkasabi niya sa huli ay rinig na rinig ko pa rin.
Ang gwapo ng boses niya..... nakaka adik.
"Hoy, natameme ka na jan. Nakikipagkamay si Cassian sa iyo, buang." Doon ko lang tinanggap ang kamay niya at awkward na napangiti.
Bwiset talaga 'tong si Emelyn.
"It seems like you are shy, Valentina Elowen Laurent?" I glared at Cassian Zyon Maximilian but he just smirked and take the menu to order.
I just also looked on menu and ordered what I want. Pagkasabi ko ng order ko ay si Cassian Zyon Maximilian naman ang nag salita. Pareho kami ng inorder.
"Pre? Kala ko ba hindi ka nakain ng spag—" Natigilan lang sa pagsasalita si Aeros dahil binato ni Cassian ang cap sa kanya at ngumiti sa akin. Nagtataka namang tumingin si Aeros sa kanya at si Emelyn naman ay ngumingiti lang. Anong problema? Bakit parang kami lang ni Aeros ang walang alam? Pero at least may karamay ako sa walang alam.
Nang dumating na ang order namin ay kumain na kami—ayon ang akala ko or namin kasi tinabig ni Emelyn ang kamay namin sa pagkain namin at pinicturan niya ito, isa-isa kaya natagalan pa kami bago kumain.
"Lam mo, dapat sinisira or tinatago 'yang cellphone mo para hindi ka makapag picture." Irita kong bulong sa kanya na tinawanan lang niya.
"Aeros, mahal. 'Di ba may lakad pa tayo? Tara puntahan na natin at baka malate pa tayo." Hinatak ni Emelyn si Aeros na walang alam sa sinasabi ng jowa niya pero nagpatianod na lang siya.
And as expected. Kaming dalawa na lang ni Cassian ang nandito. Bigla akong natameme.
Ang awkward!
"Do you know where will they go?" Si Cassian na ang pumutol sa katahimikan. Nagulat ako dahil bigla siyang nag salita kaya ng lumingon ako sa kanya ay malaki ang mata ko at naka nganga pa. Nakakahiya.
"I don't like saying something twice, Valentina." Umiigting ang panga niya at nakatingin lang sa itaas.
"H-hindi ko alam. Emelyn has many secrets." Tumango lang siya.
Tahimik na naman kaming dalawa. Para kaming nag papakiramdaman sa isa't isa. Pero natigilan lang kaming dalawa ng mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko yon at ang tumatawag sa akin ay unknown number.
"Emelyn? Thank you for answering." Boses ng lalaki ang nag salita.
"Who are you?"
"I am Manfredo Jarrel Ludovic. Your childhood friend." Masiglang sabi niya. Naalala ko na siya.
"What do you need?"
"Wala. Masama bang tawagan ang nagkakagusto sa akin noon?"
"Past is past, Manfredo." Napatingin sa akin si Cassian ng marinig ang pangalan ng kausap ko. Nginitian ko lang siya at nagfocus na ulit sa kausap ko.
Hinablot niya ang cellphone ko at pinatay ang tawag at hinila ako. Problema nito?
"Dahil tayong dalawa na lang ang magkasama, sulitin na natin hanggang may araw pa." Na sa palaruan kami ngayon. Arcade kung tawagin.
Gaya ng sinabi niya, sinulit na namin hanggang may araw pa. Naglaro kami ng kung ano-ano. Lalo na roon sa basketball at kuhaan ng plushie. Lahat ata ng plushie roon kinuha namin ni Cassian dahil kahit ita-try pa lang namin ay nabibingwit agad namin yung plushie.
After namin doon ay nag bake naman kami, nag 1 v 1 pa nga kami sa pagbabake at kung kanino ang mas maganda na design at mas masarap ang lasa, siya ang panalo. Syempre ako ang nanalo.
"I enjoy this day...... with you." Nakangiting sabi ni Cassian. Nandito kami ngayon sa garden. Pinapanood ang sunset na bumaba. Naka-upo kami sa damuhan, may space pa rin naman sa pagitan namin kaya wag kayong ano jan.
"Wow ah." Natatawang sabi ko na tinawanan niya lang din.
"But seriously. I really enjoy it. Thank you, Valentina." Nginitian ko lang siya at tumayo na ng makalubog na ang araw.
"See you when we see each other again, Cassian."
"See you too, Valentina." Kumaway kami sa isa't isa bago tumalikod.
Akala ko hindi magiging masaya 'to. Akala ko lang pala, hahahahaha.
"Na saan na kaya sila Emelyn?" Sabi ko at pabagsak na humiga sa kama ko habang chinachat si Emelyn.
To: Emelyn mabantot?
Saan ka na? Naka-uwi ka ba ng safe? Where pala kayo nag punta ni Aeros?
From: Emelyn mabantot?
Yess, mhie. Naka-uwi ako ng safe and secret HAHAHSGAJAHAHSJAJJA
To: Emelyn mabantot?
Secret pang nalalaman. Nag date lang kayo eh.
From: Emelyn mabantot?
Tulad sa inyo ni Cassian? 🤨 😚 😆
To: Emelyn mabantot?
We just hang out and let know each other because two of you left us?
From: Emelyn mabantot?
Pass sa halata, 'te gurl. HAHAGSJAJAHAJ trending kayong dalawa sa lahat ng social media
To: Emelyn mabantot?
What do you mean?
From: Emelyn mabantot?
Wow. Sorry kung hindi ka chronically online ha?
You reacted❓ to Emelyn mabantot's message.