Lunes na naman. I thought this day will be just my normal day at school, like as usual, aral doon, aral dito. Ganon lang ka-simple ang buhay ko pero biglang nag bago ang ihip ng hangin.
Lahat ng tingin ng mga tao na nadadaanan ko ay sobrang sama ng tingin. Hindi ito yung tingin na wala lang. Yung tingin nila sobrang sama, parang may ginawa akong masama kahit ang totoo ay wala. Nag kibit balikat na lang ako dahil wala talaga akong alam. Kahit gusto ko silang lapitan at tanungin ay hindi ko magawa dahil baka kapag lumapit ako sa kanila ay lapain nila ako. Gusto niyo no'n? Ako ayoko eh.
"Girl, wala ka ba talagang alam?" Bulong sa akin ni Emelyn.
"Ano bang meron? Kanina ko pa napapansin na sobrang sama ng tingin nila sa akin. Nakakairita na." Napairap na lang talaga ako.
"Check mo social media mo. Bilisan mo!" Atat na atat. Nanalo ba ako sa lotto?
I opened my phone and checked one of my social media; X. Bumungad ka agad sa akin ang picture ng isang lalaki at isang babae. Naka-upo sila sa garden.
Nag scroll pa ako dahil parang familiar. Meron pang ibang picture na nagbabake sila at sa isang palaruan. Ang arcade.
"I-is this me and that....." I looked at Emelyn and she just nodded. Pinipigalan ang pag ngiti. Napayuko na lang ako at sinambunutan ang buhok ko.
Is he really that famous?
"Famous ba talaga ang lalaking yan at bawat galaw ay may picture? May mga videos pa. Nakakahiya lalo na't nakukuhanan ako. Tignan mo napaka pangit ko—"
"Not really." Natigilan lang ako ng may magsalita sa likod ko. Siya ang dahilan kung bakit ako namromroblema ngayon.
"Ops. Alis na ako, bestie ah? Baka kasi naaabala ko ang date ninyo. Hindi niyo naman kasi sinabi na may date pala kayo, enjoy my lovebirds!" Makahulugang sabi niya at tumakbo na ng akma ko siyang sasambunutan. Tinanguan lang siya ni—ano ulit pangalan nito?
"What?" Tinaasan niya ako ng isang kilay ng makitang nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Naka-upo na siya ngayon sa tabi ko kung saan umupo si Emelyn kanina.
"What's your name again?" Tumawa siya at napapailing na ikinakunot pa lalo ng noo ko.
"Baby." Nakasandal na ngayon ang left arm niya sa bakanteng upuan. Nakabukaka pa talaga.
"Baby?"
"Yes, baby?" Nasapak ko siya sa mukha.
"What the heck?" Napahawak siya sa pisngi niya.
"Hala, sorry! I didn't mean it. It's your fault because you're not honest to me. I'm asking you a honest question but you just biro me." Binato ko sa kanya ang bimpo na dala ko na may yelo na. Buti na lang talaga may yelo rito.
"What will I do there?" Turo niya sa hawak ko.
"Ipapahid sa pisngi mong nasapak ko."
"Attitude." I just rolled my eyes.
"Shocks. I'm late na. Iwan na kita jan, ah? Sorry ulit kung sino ka man." Mabilis kong kinuha ang gamit ko at tumakbo na. Narinig ko pa ang pag tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Nagmamadali na kasi talaga ako eh. Sorry, kuya.
"S-sorry if I'm late po." Hinihingal na sabi ko pero nagulat na lang ako ng wala akong naabutan na tao.
Tinignan ko ang relo ko para i-check kung oras na ba talaga ng klase at tama naman ako. Late na nga ako ng 3 minutes eh.
"Wala ng klase, ganda. Suspended ang klase ngayon hanggang bukas dahil may bagyo raw na paparating." Sabi ng lalaki na nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman niyang kamay ay hawak ang strap ng bag niya. May lollipop din ang bunganga niya.
"Ganon po ba? Salamat po sa pag sabi." Nag bow pa ako. Pero agad akong napatingin sa ulap. Ang liwanag naman ah? Bakit nag suspend?
"May kasabay ka bang pauwi? Samahan na kita." Tumingin muna siya sa ulap bago sa akin.
"No need na po. I have car po."
"Wow. Marunong ka ng mag drive? Galing ah, grade 8 ka pa lang pero may sarili ka ng sasakyan at alam mo na kung paano paandarin. Samantalang ako na grade 9 na sasakyang pang bata pa lang ang nadridrive."
"Maybe I can hatid you po?"
"Kahiya naman. Una na ko, ganda ah? See you next time!" I just smiled and tooked my phone and checked our section's gc to confirm if suspended ba talaga.
Link lang ang nakita ko at reactions ng mga kaklase ko. 14 🙏🏻 11 😘 9 😻 6 🎉 4 🤗 2 ☹️ 1 🫦
Binalik ko na ang cellphone ko sa bag ko at kinuha ko naman ang susi ng kotse ko na hinablot ng isang tao na na sa likod ko na pala. Nagulat ako syempre.
"What the f?! Who the f are you—"
"I'll drive. Baka kasi sabihin ng mga fans ko, pinapabayaan ko ang girlfriend ko." What? Girlfriend?
I crossed my arms, raised my one eyebrow, and smirk in front of him. "What do you mean girlfriend and fans mo?"
"You're really not updated on social media and on your around, huh?" He Also crossed his arms and smirk. Nilapit niya ang mukha niya sa akin ng slight lang that made me moved backward.
Gosh, konti na lang magdidikit na ang labi namin.
he just laugh and held my hand. Hinatak niya ako papuntang parking lot. Pinatunog niya ang kotse ko at pinagbuksan ako ng passenger seat.
Padamog akong pumasok sa passenger seat at umupo na ikinatawa niya lang. Umikot siya papuntang driver seat at pinaandar na ang sasakyan.
"Where will we go, ma'am?" Natatawa niyang tanong. Anong nakakatawa?
"Where should I? Of course at my condo." Napairap na lang ako.
"Will you let me inside your condo, ma'am?"
"And why?" Natatawang tanong ko.
"Well...... as your boyfriend, you should let me in." Ang laki ng ngisi niya.
"Anong boyfriend? We just met each other tapos boyfriend agad?"
"Ask my fans. That's what they say hahahaha."
"Pag-uusapan natin 'to pag nakarating na tayo sa condo ko." Kinurot ko ang likod ng kamay niya na nakahawak sa manibela na tinawanan niya lang. Hindi siya nasaktan?