01

1004 Words
"Hoy, ate girl! Hindi mo ba napapansin yung mga nakatingin sayo? Sobrang sama ng tingin nila sayo, 'te girl sa totoo lang." Bungad ni Emelyn na kaibigan ko simula ng maging mag kaklase kami nung grade 7 kami. Siya lang ang nakaka-usap ko rito sa eskwelahang ito. "What do you mean na masamang tingin? Eh ganyan naman na talaga ang tingin nila sa akin simula ng makapasok ako rito. Pabayaan mo na lang sila." Masungit na sabi ko. Naistorbo kasi ako dahil nagrereview ako ngayon para sa quiz bukas. Wala kaming klase ngayon dahil may event pero kailangan naming pumasok para sa attendance. Kapag hindi raw pumasok -10 sa lahat ng subject, direct to the card. "Maiba naman tayo, maliban doon, wala ka bang napapansin or nararamdaman na may isang tao na nakatingin sayo ng kakaiba? Like yung nakakatunaw, nakakapaso, nakaka—alam mo yon? Yung tingin niya na nakakahulog ng underwear." I glared at her and raised my left eyebrow. "Joke lang naman 'yon! Pero yung totoo, 'te. May nakatingin talaga sayo ng ganon, kaya nga mas lalong naging masama yung tingin nila sayo eh." Mas lumapit siya sa akin ngayon. Magkadikit na ang balat namin. Humawak siya sa braso ko at tumingin sa paligid bago mas lumapit sa akin. ang bibig niya ay katapat na ngayon ng tenga ko. "Tignan mo ang paligid mo, 'te. Tignan mo kung paano sila tumingin sayo at tumigil ka lang kapag may napansin kang kakaiba ang titig sayo." Kinikilig na sabi niya. Dahil sa kuryosidad ko ay tumingin ako sa paligid ko. Pare-pareho lang naman ang tingin nila sa akin. Pero biglang tumigil ang paglikot ng mata ko ng may napansin ako sa titig ng isang lalaki na naka-upo sa unahan namin, right side. Hindi ko alam kung galit ba ang titig niya pero kakaiba ito sa lahat. Siya ba ang tinutukoy ni Astrid na tao na iba ang titig sa akin? "Siya ang sinasabi ko, 'te. Siya si Cassian Zyon Maximilian, jackpot ka 'te! Masyadong masungit yang lalaking yan tapos wala pang filter ang bibig. Kung ano ang gusto niyang sabihin, sinasabi niya talaga. Kaya mag-iingat ka rin jan kung ma-trip mo siya hahahahahahahaha." Lumayas na rin siya sa tabi ko pag katapos niyang sabihin sa akin 'yon. Cassian Zyon Maximilian. Paulit-ulit 'yon binabanggit ng isip ko simula ng marinig ko ang pangalan na iyon kay Emelyn. Isang linggo na rin pala simula ng mangyari 'yon, habang tumatagal mas lalong nagiging masama ang tingin ng mga tao sa akin. Kahit wala ako sa eskwelahan ay napaka sama pa rin ng mga tingin sa akin ng mga tao. Ano bang meron at napaka sama ng tingin nila sa akin? Wala naman akong ginagawa, ah? Hindi ko rin naman sila pinapansin or kinikibo dahil hindi naman sila si Emelyn at ang notes ko. "Focus, self. May long quiz kayo tomorrow kaya you have to focus on your reviewer hindi sa kung saan-saan na hindi ka naman madadala sa magandang kinabukasan." Sinampal sampal ko pa ang sarili ko para lang makapag focus talaga. Kung hindi lang talaga ako ginambala ng Cassian Zyon Maximilian na 'yon hindi ako magiging ganito! I have to be the top 1 this quarter. I want to be proud of myself kahit sa ganto lang. Pero bakit parang sobrang hirap ngayon? Nung grade 7 at elementary ako hindi naman ako ganito. Bakit? "Anak, nandito si Emelyn. Sabay daw kayong mag review ngayon!" Sigaw ni Mommy sa baba. "Coming na po!" Sagot ko. Inayos ko ang buhok ko habang bumababa ng hagdan. Nadatnan ko si Emelyn sa sofa at kumakain ng biscuit. "Review ba talaga gagawin natin?" Naka crossed arms na tanong ko. Hindi pa ako bumababa ng hagdan kahit dalawang hakbang na lang ay makakababa na ako. "Uy, si bi ep ep pala ito eh! Syempre naman. Mukha ba akong sinungaling?" Hindi maitago ni Emelyn ang sobrang ngiti niya. Parang may binabalak na naman. "Pero syempre bukas na tayo magsisimula dahil na basa ko sa gc na absent daw si Sir bukas kaya bukas na lang natin yan simulan. Today, mag saya muna tayo!" Hinila ako ni Emelyn pa puntang kwarto ko. Siya na ang nagsara ng pintuan at nangielam pa siya sa damitan ko. "Emelyn. I don't have time for that." Boring na sabi ko at umupo sa gilid ng kama ko. Na sa harapan ko siya at pinapabayaan ko lang siya maghalungkat doon. "Ito suotin mo! Bilis, maligo ka na roon! Hihintayin kita rito." Hindi pa rin maalis ang malawak na ngiti niya. Napairap na lang ako ng itulak niya ako sa banyo ng hindi ako gumalaw. "Saan ba kasi tayo pupunta? I still have to review and advance study." Naiinis na ako dahil kanina pa kami palakad lakad. Nakahawak siya sa isa kong kamay kaya hila-hila niya ako habang naglalakad kami. "Basta. Malalaman mo rin mamaya at matutuwa ka rito sa mangyayari. Mag-eenjoy ka talaga." Hindi siya nakalingon sa akin habang sinasabi iyon. Focus na focus talaga siya. "Siguraduhin mo yan, Emelyn Rose Heartlyn. Sinasabi ko sayo." Seryoso kong sabi. Dinuro ko pa nga siya pero alam ko namang hindi niya iyon alam. "Over naman sa full name, ate girl. Nandito na po tayo." Natawa kaming pareho sa ginawa niya. "Ano ba 'to? Anong gagawin natin here?" Malumanay na tanong ko na tinawanan naman niya. "Makikipag date." Nakangisi niyang sabi. I glared at her. "I'm serious, Emelyn Rose Heartlyn." Hindi ako natutuwa. "Seryoso rin ako. Para rin naman magkaroon ka na ng love life mo. Ang sama ko naman kung ako lang ang may jowa sa atin 'di ba?" Hinala na naman niya ako. Sa pinaka dulo, may tao na kumakaway sa way namin kaya napatingin ako sa gilid namin at sa likod dahil baka ayon yung kinakawayan niya pero wala namang tao. So I think kami 'yon? Kinawayan din siya ni Emelyn at mas bumilis pa nga ang lakad niya kaya napabilis din ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa lalaking kinakawayan kami. "So, you are Valentina Elowen Laurent?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD