[ Lilith ] Patuloy pa rin ang pagtakbo ko para maabutan ko si Flavius. Hinding hindi ako makakapayag na tatakasan niya ako dahil marami siyang utang na dapat niyang bayaran! Hindi pwede na lahat ng paghihirap ko ay mapupunta lang sa wala! Tumigil ako sa pagtakbo nang makita kong tumigil din si Flavius. Hinarap niya ako. Sumilay ang isang mala-demonyong ngisi. "Sigurado ka na ba talaga na ako ang gusto mong makalaban, ha, Lilith?" Tanong niya sa akin habang pinandidilatan niya ako. He looks like... he's possessed. "Oo, Flavius." Seryosong sagot ko. Tumawa siya na may panunuya. "Kung ganoon, may gusto nga palang makita ka. Well, thank me later." Aniya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ano na naman bang gusto niyang palabasin? Umatras ako ng isang hakbang ma

