INAANTOK pa siya pero pilit siyang ginigising ng lamig na nararamdaman. Nakapikit na tumagilid siya pakanan at niyakap ang katabing unan. Lalo siyang sumiksik at ipinatong pa niya ang kanang binti sa unan para maibsan ang ginaw. Ang sarap sana ng yakap niyang unan kung hindi lang matigas. Sa pagkiskis niya ng binti sa unan ay may naramdaman siyang- Buhok? Papaanong nagkaroon ng buhok ang unan? Iminulat niya ang isang mata upang silipin ang yakap niya. Nanlaki ang dalawa niyang mata ng mapagtanto na tao ang kayakap niya. Yakap niya si Jaime!? Nakaunan ang ulo niya sa dibdib nito, yakap naman ng kamay niya ang katawan nito at ang binti naman niya ay nakapulupot sa isa nitong binti. Nahinto ng paggalaw ni Jaime ang tangka niyang pag-alis ng pagkakayakap ng kamay at binti niya rito Tum

